Skip to content

‘Maraming hinimatay at nadukutan!’

September 6, 2012

Nagkagulo sa mall show ni Coco sa Olongapo

HAWAK pa rin talaga ni Coco Martin ang tronong hottest male star ng ABS-CBN dahil halos magsara na ang Subic Bay sa Olongapo City sa dami ng taong nagpunta sa Harbor Point Mall noong Sabado para lang makita ang aktor.

Kuwento sa amin ay hindi raw kinayang kontrolin ng mahigit na 100 security personnel na kinabibilangan ng SWAT ng SMBA at Ayala Security Group plus ambulansiya na itinalaga ang mga nagpunta sa show ni Coco para makita ng personal ang bida ng teleseryeng Walang Hanggan ng ABS.

Talagang walang hanggan ang dagsa ng taong dumating, ayon sa kuwento sa amin ng isang security staff, “Grabe, hindi ako nakapasok sa work ngayon dahil kay Coco, sumakit ang katawan ko sa kaaawat sa mga tao, hindi na kasi kinaya ng mga security kaya nakitulong na ako. Maraming nahimatay at nadukutan, sakit sa ulo si Coco, ginulo ang buong Subic, pero in fairness, napakabait na bata pala, kinamayan lahat ng security at magalang.”

Sa mga kabataang aktor ay si Daniel Padilla ang puwedeng sabihing pinakasikat ngayon dahil siya naman ang nasa Harbor Point Mall dalawang Sabado na ang nakararaan para sa promo ng album niyang “Hinahanap-Hanap Kita” at para na rin sa seryeng Princess And I, binigyan siya ng 25 security at anim na bouncers para bantayan ang kanyang show.

Siyempre, hindi naman natabunan ni Daniel si Coco dahil all ages ang supporters ng WalangHanggan leading man.

Pangungunahan din ni Coco ang pagpunta sa Naga City ngayong Sabado kasama ang leading lady niyang si Julia Montes, join din dito si Daniel Padilla at ang partner niya sa Princess And I na si Kathryn Bernardo at sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng Be Careful With My Heart.

Samantala, gaano katotoo na naghiwalay na pala sina Julia at Enchong Dee dahil daw kay Coco?

Kasusulat lang namin dito sa BANDERA kahapon na baka maagaw na ni Coco si Julia kay Enchong, di ba?

Aba, mukhang nagkatotoo na yata, bossing Ervin?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: