Skip to content

HEART: OK lang sa ‘kin kung may mga anak na si CHIZ!

September 6, 2012

WALANG problema kay Heart Evangelista kung may mga anak na ang nali-link sa kanya na si Sen. Chiz Escudero.

Hindi raw kabawasan ‘yun sa karakter ng isang tao, ayon sa Kapuso actress.

Para sa mga nagtatanong, 42 na si Sen. Chiz at 27 lang si Heart, pero mismong ang TV hots-actress na ang nagsabi na mas masarap kausap at mas marami siyang natututunan sa lalaking tulad ng senador. Inamin ni Heart na totoong nagde-date sila ni Chiz, pero mariin niyang itinaggi na magkarelasyon na sila, “Yes, lumalabas kami, nagdi-dinner kami, and we talk a lot of things.

But, dating ba ‘yan or going out, I’m just confused, it’s just like that.

I’m not really in a rush.”

Nakachika ng press si Heart sa presscon ng ikatlong yugto ng fantasy-drama series ng GMA na Luna Blanca, at dito nga niya sinabi na tanungin uli siya pagkalipas ng anim na buwan at baka may maisagot na siya kung may pag-asa ba sa kanya si Chiz.

“Probably after six months or it can be a year… I don’t know.

Hindi ko pa alam, ‘no? I don’t want to plan things.

Dati kasi pinaplano ko ang mga bagay-bagay. Now, I just go with the flow,” sabi pa ng aktres.

Siya ang gaganap na dalagang Blanca sa Luna Blanca habang si Bianca King naman ang dalagang Luna na ginampanan noon nina Barbie Forteza at Bea Binene.

Alam na ng lahat na annulled na ang kasal ni Chiz sa dating asawang si Christine Elizabeth Flores, at meron nga silang dalawang anak.

Sabi ni Heart, okay lang sa kanya ang magkaroon ng boyfriend na may anak na.

“They asked me nga, parang I don’t want to take it din naman.

Parang kawawa naman at napakakitid din naman ng pag-iisip ko if I’ll think about that.

I mean, there’s always a second chance in life.

“But again, I’m not in that stage that I’m going to think about it or I’ll think of marrying him.

We’re just on a getting-to-know stage before I even think of… even think of getting officially,” paliwanag pa ng aktres.

Tinanong din namin si Heart kung ano na ang na-disover niya sa senador na gustung-gusto niya? “He’s very down to earth.

He’s not as serious as he is.” “We just get along.

Whatever he talks about, I can talk about what he’s talking. We can go on and on talking,” dugtong pa ng aktres.

Anyway, excited na rin sina Heart at Bianca King sa book 3 ng Luna Blanca na magsisimula na sa Lunes sa GMA TeleBabad, “I’m so happy because, you know, Bianca is really a smart girl and, you know, she’s also a director.

I’ve worked with her also before, sa Hale, yung ‘Bahay Kubo.’” Ito ‘yung music video ng bandang Hale. “It’s nice to work with somebody who’s responsible.

She knows her lines, she knows what she’s doing at nakaka-inspire. Mahirap yung make-up pero sobra ang patient niya, nakakatuwa,” papuri ni Heart kay Bianca na ilang oras din daw pinaiitim bilang si Luna.

“We’ll definitely become closer with this soap.

Not because dahil nagkatrabaho kami, but I guess because we were given the chance na magsama kami. “Kasi dati naman, okay naman kami.

She got me pa for ‘Bahay Kubo.’ So I guess, ngayon, mas mabi-buildup pa ang aming friendship,” say pa ni Heart about Bianca.

Makakasama rin sa book 3 ng Luna Blanca sina Christopher de Leon (dating role ni Raymart Santiago), Lani Mercado (tumandang Camille Prats), Carmi Martin (dating role ni Chynna Ortaleza) at Mark Herras (sa role noon ni Kristoffer Martin).

Ito’y sa direksiyon ni Dominic Zapata.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: