Skip to content

SHAINA pinaglaway ang mga lalaki sa star magic ball; ANGELICA balot na balot ang katawan

September 3, 2012

Sa wakas, John Lloyd umamin na sa relasyon nila ni Angelica

HEAD turner daw si Shaina Magdayao nang dumalo siya sa nakaraang 6th Star Magic Ball.

Agaw-pansin kasi ang suot niyang fitted backless gown, semi-see through na may laces sa ibaba with matching layers.

Nakapusod lang ang kanyang buhok.

Ayon mismo sa mga nagkuwento sa amin na dumalo rin sa nasabing ball na ginanap sa Makati Shangri-lah Hotel ay halos lahat daw ng boys ay nakatingin sa magandang dalaga.

Pilit din na pinagkumpara sina Shaina at Angelica Panganiban noong gabing ‘yun dahil balot ba balot naman ang aktres at wala man lang itong ipinasilip sa kanyang katawan.Anyway, may nagkakalat daw na nililigawan ni Diether Ocampo si Shaina, pero ang alam namin ay may girlfriend na ang aktor at kasama nga niya ang babae sa nasabing event at kung hindi rin kami nagkakamali ay isa itong Cojuangco, pinsan daw ni Kris Aquino.Hmmm, so hindi pumasa si Diet kay Tetay kaya sa pinsan na lang ng TV host-actress niya ibinaling ang kanyang atensiyon?

Anyway, tinanong ang leading lay ni Jake Cuenca sa Kung Ako’y Iiwan mo kung ready na siya sa mga matutunghayan niya sa Star Magic Ball at ang diretsong sagot daw ng aktres, “Wala akong pakialam, basta ako mag-e-enjoy ako, smile lang nang smile.”

Samantala, hindi man sabay dumating sa red carpet sina John Lloyd at Angelica, pero halatang magkasama naman daw ang mga ito dahil dalawang minuto lang ang pagitan ng kanilang pagdating.

Sinalubong pa nga raw ng aktor ang aktres pagdating nito sa nasabing hotel niya at sabay akbay sa dalaga.

Samantala, inamin ng aktor sa The Buzz kahapon na espesyal si Angelica sa kanya at galit siya sa mga bumabatikos sa aktres dahil sa pagkakaalam niya ay wala naman daw silang ginagawang masama.

Ang balita namin, inamin na ni Lloydie sa ginawang interview ng The Buzz sa kanya na girlfriend na niya si Angelica pero hindi raw ito ipinalabas dahil baka makasira sa movie niyang “The Mistress” kasama si Bea Alonzo.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: