Skip to content

MARICAR nilait-lait, hindi raw bagay kay RICHARD POON

September 3, 2012

Binuhay na naman ang Hayden Kho ‘sex scandal’  

MARAMI ang nagbigay ng kani-kanilang reaksiyon tungkol sa pag-amin nina Richard Poon at Maricar Reyes na sila’y magkarelasyon na – noong July 1 daw naging official ang kanilang pagiging magdyowa.

Pero kung may natuwa sa announcement ng dalawa, e, may mga nag-react namang mga kontrabida – kabilang na diyan ang mga taong hanggang ngayon ay hindi pa rin makalimutan ang kontrobersiyal na sex scandal nina Maricar at Hayden Kho.

Sabi nga ng isang nag-text sa amin, “Hindi sila bagay! Masyadong wholesome ang image ni Richard Poon!

Nirerespeto siyang singer, tapos isang tulad lang ni Maricar Reyes ang magiging girlfriend niya?

Darating din ang panahon na ikahihiya niya ang babaeng ‘yan!”Ito naman ang mataray na reaksiyon ng isang fan ni Richard, “Kawawa lang siya, pagtatawanan lang siya ni Hayden Kho!

Sasabihin nu’n, tagasalo lang pala siya ng mga babaeng nabiktima ni Hayden Kho.

Sana magising na siya sa katotohanan, marami pang girls diyan na bagay sa kanya!”

Nakakaloka, di ba? Kung makapagsalita naman ang mga ito, akala mo, mga sakdal linis. Ha-hahaha!

Pero tiyak na inaasahan na ‘yan nina Richard at Maricar, alam nilang sa ginawa nilang pag-amin sa kanilang relasyon ay hindi mawawala ang mga ganitong klase ng panlalait.

Natatandaan ko pa, nu’ng huli naming makausap si Richard Poon, diretsahan niyang sinabi na wala siyang pakialam sa nakaraan ni Maricar, ang mahalaga sa kanya ay ang kasalukuyan at naniniwala raw siya na mabuting tao ang aktres at marami siyang nakitang good qualities rito.

Sa tingin naman namin, deserving si Maricar ng isang lalaking tulad ni Richard Poon, tsaka hindi naman talaga masasabing masama at malanding babae si Maricar, tandaan n’yo, siya ang biktima sa kontrobersiyal na sex scandal na ‘yun at walang ibang pwedeng sisihin du’n kundi si Hayden Kho.

Well, siguro nga ay may magsasabi na dapat ding sisihin si Maricar sa nangyari, pero sigurado akong hindi siya papayag na kunan ang mga pinaggagagawa nila ni Hayden sa kama.

Inuulit ko, siya ang  biktima kaya wala tayong karapatan na husgahan siya.

At para sa amin, bagay na bagay sina Richard at Maricar at may karapatan din silang lumigaya tulad ng kahit sino diyan

Sana nga lang huwag silang magpapaapekto sa mga taong gustong sumira sa kanilang pagmamahalan.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: