Skip to content

Decision 2013:’Kandidato ako ng ordinaryong tao’

September 3, 2012

Ni Bella Cariaso

NAUNA nang nagtangka ang dalawa sa kilalang makakaliwang kongresista para makapasok sa Senado, pero nabigo sila.

Ngayon, isang militanteng kongresista mula sa Bayan Muna ang muling susubok.

Kakayanin kaya ni Rep. Teddy Casiño ang laban? Siya kaya ang magiging kauna-unahang militante na makakaakyat sa Senado?

Kahit kulang sa pondo, walang malaking partido politikal o alyansang sasamahan, tiyak na itutuloy ni Casiño ang laban daan patungong Senado.

Sa kanyang pagbisita sa Inquirer Bandera, sinabi nito na hindi hadlang ang kakulangan ng pondo at kawalan ng partido para ituloy ang laban ng mga militanteng kagaya niya sa mas higit na malawak na liga – ang Senado.

Gaya ng buong partidong Bayan Muna, desidido na si Casiño na takbuhin ang larangan ng Senado. Eleksyon pa lang anya noong 2010 ay napagdesisyunan na ng partido na isabak siya sa Senado ngayong darating na 2013, kahit pa magiging mabigat at mahirap ang laban na susuungin, gaya nang laban na inumpisahan ng mga natalong sina Satur Ocampo at Liza Maza.

Kung ihahambing, higit na mas malupit ang laban na kanyang susuungin ngayong 2013 kumpara sa pinagdaanan nina Ocampo at Maza dahil ang mga ito ay inampon ng Nacionalista Party.

‘Yun nga lang, kinapos ng oras ang dalawa.

At ito anya ang naging aral sa kanila, kaya 2010 pa lang ay nakapako na ang buong partido sa 2013 elections.

“Ang lesson nga namin noong campaign nina Satur at Liza, we made the decision too late.

Parang halos 18 months na lang to prepare for that.

Limitado ang preparasyon.

Kaya after that, ang advice sa amin kung magpapatakbo kayo sa 2013, as early as three or four years,  piniprepare n’yo na kasi ang hirap ikutin (ang buong Pilipinas)…. kaya by 2013, I will be the standard bearer of the  party,” paliwanag pa ni Casiño.

Bagamat may mga alok para siya ay “ampunin” ng malalaking partido, sinabi ni Casino na walang kasiguraduhan kung makakapasok siya rito.

Ang tanging sigurado, anya, ay siya ang dadalhin ng kanilang Makabayan na koalisyon.

Ayon sa kanya, bukas naman siya sa pakikipag-alyansa sa ibang partido, bagamat malabo na aniya sa Liberal Party (LP).
“Sa UNA (United Nationalist Alliance) of course, it would be good kung dadalhin kami as guest candidates, pero hindi ‘yun determinant sa aming pagtakbo,” paliwanag pa ng kongresista.

Hindi man kunin ng malalaking grupo, magiging katuwang ng koalisyong ito ang iba’t-ibang non-governmental organizations na nasa grassroots level.

“‘Yun naman kasi  ang advantage ko over other senatorial candidates, wala silang grassroots na build in, either nagta-top sila ng mga local politicians to serve as their  grassroots, halos walang nagbubuo talaga.

At least ‘yung  amin andiyan na at sanay sa advocacy.

“Ang kalamangan nga lang naman ng mga political groups na naglalakihan ay sila ang sanay sa electoral process at doon naman napag-iiwanan ang kanilang mga grupo.

Hindi lang nga sanay sa electoral,” dagdag ni Casiño.

Adbantahe
Dahil naniniwala si Casiño na matatalino na ang mga botante ngayon, makikita ng mga ito kung anong adbantahe meron siya kaysa sa mga kandidato na dala ng naglalakihang partido.

“Ang advantage is kilala ako bilang uncompromising, saka ‘yung pagiging makamasa, saka ‘yung meron nang identity.

Ang disadvantage talaga niyan ay may section talaga ng lipunan, and anti-left na talagang nag-ooppose sa amin.

‘Yun naman ang problema roon,” dagdag pa ni Casiño.

Kung papalarin anya, kaya niyang makipagsabayan at makatrabaho ang mga kilalang ultra rightist na gaya nina Senador Antonio Trillanes IV at Gringo Honasan.

“Nakakapag-work naman kami sa Congress on a case to case basis.

Pwede namang kaming magwork together,” sabi ni Casiño.

Hindi kandidato ng ‘kaliwa’Iginiit naman ni Casiño na hindi siya kandidato ng kaliwa kundi ng mga ordinaryong tao.

“Hindi ako kandidato ng kaliwa, mas malawak na ‘yung constituency namin, kaya ang nakikita ko ay boses ng karaniwang tao, ‘yung ordinary folk, common tao, kasi for the last eight years in Congress, talagang marginalized sector ang aming focus at ‘yun ‘yung tingin kong maidadagdag namin sa Senado. Ako na siguro ang kandidatong hindi milyonaryo,” sabi pa ni Casiño.

Advocacy
Aniya, kabilang sa mga isusulong niyang mga panukalang batas kapag nahalal ay ang repeal ang Oil Deregulation law, ang pag-aalis ng monopolyo sa kuryente na aniya’y nagiging dahilan sa pagtaas ng kuryente sa bansa; ang contractualization; ang pagtatayo ng Department of Industry, ang Whistle Blower Protection bill, at ang Freedom of Information (FOI).

(Editor: May tanong, reaksyon o komento ba kayo sa artikulong ito? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374)

Si Casiño at ang kanyang mga hirit

BUMISITA kamailan si Bayan Muna Rep. Teddy Casiño sa Inquirer Bandera na kung saan tinanong siya sa kanyang posisyon sa iba’t-ibang isyu. Ito ang  ilan sa mga sagot niya.

RH bill:
I think importante ang RH bill because we really have to provide, adequate maternal health sa mga nanay, pati ‘yung child care sa mga sanggol.

Ang ayaw lang namin sa existing version, it focuses too much on population control at ‘yung prinsipyo na kailangan itong RH bill para mapaliit ang population to solve poverty.

We don’t buy that view na problema ng Pilipinas ay  masyadong maraming tao.

Leave all the decisions to the couple, whether kung gusto nila ng malaking pamilya, maliit na pamilya.

Ang importante, nandiyan ang gobyerno to provide health care services, whether artificial ‘yan, natural.

Divorce:
I’m open to it, seriously. Kailangan na itong i-tackle sa Kongreso. Kung ita-tackle na natin, e di mapapag-usapan na natin.

Same sex marriages:
It’s something na kaila-ngan pang pag-usapan ng publiko.

So, it has to undergo a long process of dialogue, of discussions bago magkaroon ng isang viable legislative measure.

So far, ang inabot pa lamang naming sa Kongreso, na isa ako sa mga author ay ‘yung Anti-Discrimination bill na prohibiting discrimination based on sexual identity.

Dun pa lang namumproblema na tayo, dun pa kaya sa same sex.

Mining:
Nag-file kami ng sarili naming alternative mining bill.

We call it People’s Mining bill. Ang Mining Act of 1995 has proven to be masyadong pro-mining companies.

Ang nakikinabang sa mining natin ay mga big companies.

We are not against mining per se, local mines should be used primarily to build local industries.

Illegal logging:
We should be able to make use of our resources kasi importante rin ang kahoy.

Ang problema lang talaga, ‘yung unregulated logging.

There is really a proper management ng mga forest, kung scientifically done at kung ang policy mo ay huwag ubusin lahat.

May paraan na nagagawa, ‘yung sustainable and that has to be practiced.

Permanent log ban is good for a certain period pero sooner or later, you have to address na kailangan ng ekonomiya mo ang kahoy.

Jueteng:
Against kami sa jueteng, all forms of gambling. In fact ‘yung casino, hindi na dapat gobyerno ang nagpapatakbo.

Peace talks:
Dapat talaga ituloy ang peace talks, both (MILF at NDF) and walang conditionalities.

Kasi, hindi mare-resolve kung hindi magkakaroon ng settlement.

Kasi ‘yung military approach has been tried. Ang importante sumulong na talaga ang peace talks. Otherwise, wala talagang mangyayari.

Charter change:
Hindi ito urgent. Marami pang importanteng bagay na kailangan naming pagtuunan ng pansin.

Plano sa Mindanao:
Neglected ang Mindanao because it stems from the wrong strategy of the government.

Talagang bubuhos ang resources mo dito sa Maynila, Cebu, Davao.

So, tingin ko it stems kung anong development strategy meron ang gobyerno.

At kung hindi mababago ‘yun, hindi ma-aadress ‘yung nasa probinsya.

So we need a more broad-based development strategy, dapat ‘yung agriculture takes center stage dito sa development na ito, and then using agriculture, mag-industrialize, dapat kanya-kanyang area, so tingin ‘yun ‘yung susi diyan.

Pork barrel:
Ang position namin is to abolish the pork barrel. Because it breeds corruption.

It is based on inefficient planning, kasi parang lahat kayo may P70 million, bahala kayo kung saan n’yo ‘yan gagastusin, concession lang ‘yan sa mga pulitiko.

Sin tax:
We voted against the sin tax.

Ang tatamaan diyan ay ‘yung local manufacturers natin and hypocrisy ang sinasabi nila it is an effort to reduce smoking and drinking.

In fact, kung magre-reduce ng smoking and drinking, it defeats the purpose kung ang habol mo ay revenue generation.

Lumalabas naman sa studies na kahit dagdagan mo ng P12 ang isang pack ng cigarettes, hindi naman titigil sa paninigarilyo, palamuti na lamang ang health but in trying to raise revenues, they are hurting the local industries. — Bella Cariaso

Mga dapat mo pang malaman kay Teddy

Bandera: Magkano ang iyong networth:

Teddy Casiño: P230,000

B: Ilan ang bahay mo?:
TC: Wala akong sariling bahay. Nakatira kami sa bahay ng kapatid ko malapit sa sementeryo sa extension sa Ecoville.

We used to rent an apartment sa Quezon.

Kaya lang gusto ng tatay ko ‘yung mga apo niya, malapit sa kanya, tamang-tama naman ‘yung kapatid ko walang pamilya.

B: Anong trabaho ng iyong misis?
TC: Nag-aaral siya ngayon ng law sa San Beda.

B: Ilan ang iyong sasakyan?
TC: ‘Yung sa office, sa Bayan Muna (service car), Sportivo Isuzu 2007 model.

B: Magkano ang monthly electric bill mo?
TC: Nagre-range from P2,500 to P3,500. Ngayon tipid, di kami nag-e-aircon kasi malamig dahil sa ulan.

B: Saan nag-aaral ang inyong mga anak?
TC: ‘Yung isa, sa Innerwill Club malapit sa simbahan, Nursery. ‘Yung isa sa La Salle, Greenhills.

B:  Ano ang inyong mga ‘luho’?
TC: Sine, paminsan-minsan, kain sa labas. Hindi na rin ako bumibili ng fake DVD ngayon (Laughs).

One Comment leave one →
  1. September 8, 2012 8:03 pm

    ANG BOBONG TEDDY “COMMUNISTA” CASINO. BOTO nyo at may NPA na sa SENADO!!! KAPAL NG MUKHA!. wala nmng ginawga nag Vandalize pa ng government property ng mga BOBOnG BAYAD MUNA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: