Skip to content

COCO, MATTEO nagkabati na, nagyakapan pa sa stage

September 3, 2012

MARAMING good news sa naganap na Star Magic Ball nitong nakaraang Sabado sa Makati Shangri-la Hotel, bukod sa pabonggahan ng gown at suit ng mga Kapamilya stars ay nagkaroon din ng chance ang mga ito na magkumustahan at mag-enjoy nang sama-sama at walang iniisip na trabaho.

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga kontrobersiya at intriga diyan.

Bukod sa agaw-eksenang pagdating at pag-alis ng rumored couple na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, naging malaking usap-usapan din ang pagkukrus muli ng landas nina Matteo Guidicelli at Coco Martin.

Kung matatandaan nagkaroon ng matinding away ang dalawa noong nakaraang taon na naganap din sa Star Magic Ball kung saan nagkapisikalan pa nga sila nang dahil kay Maja Salvador.

Selos ang sinasabing dahilan kung bakit nagkasakitan sina Matteo at Coco. At nitong nakaraang Sabado nga, muling nagtagpo ang dalawang aktor pero wala nang naganap na away.

In fairness, sa unang pagkakataon nga matapos ang kanilang pagsusuntukan, ay muli silang nagkita at finally, nagkabati.

Si Matteo kasi ang naging presentor ng Standout Star Award na napanalunan ni Coco.

Nang nasa stage na ang aktor para abutin ang kanyang award, tinukso sila na magyakapan naman daw.

At wala na nga silang nagawa kundi ang magtawanan at magyakapan.

Pabiro pa ngang hinalikan ni Matteo ang kamay ni Coco bilang patunay na wala na silang samaan ng loob.

Sa interview ng ABS-CBN kay Matteo sinabi nitong matagal na silang okay ni Coco,“Ako naman I always joke around a long long time ago pa.

It’s nice to be part of Star Magic family na lahat kayo magkakaibigan, lahat magkakabonding.”

“Sabi ko pa nga nung tinawag ko yung pangalan niya, ‘my friend Coco Martin’. So wala nang issue.”

Tungkol naman sa ex-girlfriend niyang si Maja, maayos naman daw ang friendship nila ngayon, “We’re okay. I congratulated her earlier sa pagkapanalo niya ng Best Actress sa Luna Awards.

I’m proud of all her success. She has a new show coming up…we went our different ways in a nice way.”

Hindi pa rin daw siya handa na manligaw uli, “Not now.

I’m concentrating now on my work first.

I have an upcoming soap (Isla) and I am working on different indie movies right now.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: