Skip to content

RUFFA ‘invisible lover’ ang tawag kay DEREK

September 2, 2012

“Wala kaming relasyon ni Derek Ramsay!” Ito ang nagtutumiling sagot ni Ruffa Gutierrez sa mga naglabasang balita na nagkakamabutihan na raw sila ng hunk actor.

Say ng TV host-actress, hindi rin daw totoong nag-date sila sa London.

“The only occasion that we, actually spent time with Derek was one sa Star Magic Ball 2009.

We had a conversation for ten minutes, but then naging close na lang kami noong ininterbyu ko siya sa TV5 sa paglipat niya.

“And then, we were in the States for TV5 international launch.

Doon ko talaga siya lubusang nakilala bilang isang kaibigan.

And I realized he comes from a good family. He speaks well, has good values intact, and marami talaga ang may crush kay Derek,” paliwanag ni Ruffa.

“But it’s just so assuming sa mga tao na isipin nilang may relasyon talaga agad kami.

Sabi ko nga sa kanya, ‘Hey, Derek! How’s my invisible lover?’ Tapos tawa lang kami nang tawa.

I think, it’s just nakakaaliw because people in our past are being linked together,” pagpapatuloy pa ng isa sa mga bida ng eco-seryeng Enchanted Garden ng TV5.

Ang rumored couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao ang tinutukoy ni Ruffa na may kinalaman sa nakaraan nila ni Derek, “So, I think, it’s just convenient na ma-link din kami.”

“But there’s nothing wrong being linked with Derek. He’s A-list, he’s hot.

Tinutukso lang kami but there’s nothing going on.

He’s just a good friend,” chika pa ng aktres.

Anyway, kasabay ng mga gumagandang tagpo sa Enchanted Garden ang pagkaka-extend nito sa ere.

Anim na linggo ang extension ng naturang programa kaya’t paniguradong mas iinit ang mga eksena, at mas magiging kapana-panabik ang istorya.

Tutukan ang Enchanted Garden at subaybayan ang mga pangyayari ngayong linggo.

Sa mundo ng mga mortal, kikiligin ang mga manonood sa ligawang Mark (Daniel Matsunaga) at Aya (Alex Gonzaga), na siya namang magpapainit ng dugo ni Gigi (Meg Imperial).

Sa kaharian naman ng Eden, isang matinding habulan ang magaganap dahil sa patuloy na pagto-torture ni Reyna Valerianna (Ruffa Gutierrez) kay Quassia (Rufa Mae Quinto) tungkol sa kinaroroonan ng anak nina Menandro (Zoren Legaspi) at Diwani Alvera (Alice Dixson).

Abangan din ang mga pagsubok na haharapin ni Aya sa Michiko’s Garden.

Alamin ang lihim ni Michiko (BB Gandanghari) sa nalalapit na paghaharap nila ni Elaine Malfori (Alice Dixson).

Mapapanood ang Enchanted Garden, Lunes hanggang Biyernes, 6:30 p.m. sa TV5.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: