Skip to content

BEA, ZANJOE magpapakasal sa BATANGAS

September 2, 2012

Hinding-hindi raw papayag na magkahiwalay pa

SA kasalan na nga siguro mauuwi ang relasyong Bea Alonzo at Zanjoe Marudo.

Mahigit isang taon nang magdyowa ang dalawa at in fairness, talagang napangalagaan nila ang kanilang pagsasama nang walang masyadong intriga.

Ayon kay Bea, effective pala talaga ‘yung hindi nila gaanong ginagawang “public” ang kanilang relasyon, mas okay daw pala talaga ‘yung tahimik lang at walang masyadong nakikialam.

Chika pa ng aktres, sinisiguro nila ni Zanjoe na nabibigyan nila ng sapat na panahon ang isa’t isa, like going out on dates, dinner at maging sa paglalaro ng golf, “Kaya kilig pa rin hanggang ngayon.

Happy lang,” sabi ni Bea.

Ano nga ba ang sikreto na tahimik at matamis na pagsasama? “Kilala na namin ang isa’t isa. Kilala namin kung ano ‘yung makakapagpagalit o makakapagpakalma sa isa’t isa.

May harmony sa relationship so ok kami.

“Although we don’t see each other as often as before kasi pareho kaming busy.

Pero mas nakaka-miss nga ‘yun e.

And I think, it doesn’t matter if it’s showbiz or not, as long as both of you are willing to make it work, anything is possible,” pahayag pa ng aktres.

At tulad ni Zanjoe, umaasa rin si Bea na sila na nga ang magkakatuluyan sa huli, “Mahirap bitawan ‘yung salitang never ever.

Pero ‘yun ang gusto naming mangyari, to never ever break up.”

Napag-uusapan na ba nila ni Zanjoe ang kasal? “Nagbibiruan kami tungkol diyan minsan.

Pero wala pa akong dream wedding but he told me, sa Batangas daw kami ikakasal, du’n sa Bilog Bilog kung saan siya ipinanganak.

Ha-hahaha! Mga ganu’n lang, walang masyadong detalye.”

Wala rin daw nararamdamang selos si Zanjoe sa pagbabalikan nila ni John Lloyd Cruz sa pelikula, in fact, tuwang-tuwa nga raw ang aktor sa bago nilang movie.

“Oo nga, sabi niya Bea-John Lloyd fan daw siya.

Nakakatuwa naman kasi napaka-supportive niya.

Mas madali magtrabaho kasi naiintindihan niya.

Nakakatuwang isipin na proud siya sayo.

Para ka namang tanga kung magseselos ka sa amin ni John Lloyd kasi 10 taon na kaming magkapartner pero hindi naging kami.

Ano ba!” tugon pa ni Bea.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: