Skip to content

Trip nina RICHARD at MARICAR ’basag’ dahil kay CHRISTIAN

September 1, 2012

Inunahan kasi ang kanilang pormal na anunsiyo

KASUSULAT lang namin dito kahapon na aabangan namin kung sino ang ka-date ni Richard Poon sa Star Magic Ball ngayong gabi, e, heto’t kami na mismo ang nakakitang si Maricar Reyes pala ang lucky girl.

Kasama rin ni Richard sa nakaraang “Greatest Theme Songs” concert ni Erik Santos sa Meralco Theater si Maricar noong Huwebes ng gabi.

Bago ang nasabing concert ay umamin na raw si RP (bansag kay Richard) sa Kris TV dahil ibinuking daw siya ng kaibigan niyang si Christian Bautista na isa rin sa panauhin ni Kris Aquino sa kanyang programa.

Ayon kay Richard ng makatsikahan namin sa Meralco Theater katabi si Maricar, “Supposedly, sa Star Magic Ball palang malalaman because she will be my date, e, naunahan na ni Christian,” nakangiting sabi nito sa amin.Matatandaang Agosto, 2009 nang magkakilala ang dalawa dahil sa music video na “You And I” na ginawa ni RP at simula noon ay naging textmates na sila at naging magkaibigan.

Isa kami sa nag-uudyok noon kay Richard na ligawan si Maricar dahil wala namang boyfriend ang aktres.

Taong 2010 naman ng mag-umpisang lumabas-labas ang dalawa pero wala pang malinaw na usapan sa estado ng relasyon nila dahil sunud-sunod noon ang projects ni Maricar at bisi-bisihan din si Richard sa mga shows niya sa ibang bansa.

Hanggang sa napag-usapan nilang maging magkaibigan na muna at unahin ang kanilang respective careers, may isang taon din silang hindi nagkita at nag-usap.

At early this year ay muling nagkita’t nagkausap sina RP at Maricar at nauwi na sa seryosong usapan hanggang sa finally, naging opisyal na ang kanilang relasyon noong Hulyo 1.

Thankful kami kay Richard bossing Ervin dahil hindi niya nakalimutan ang pangako niya sa amin tatlong taon na ang nakararaan na kapag nagka-girlfriend siya ay isa kami sa una niyang sasabihan.

Bago nag-umpisa ang show ni Erik ay tinext kami ni Richard kung nasaan kami at pinapupunta niya kami sa upuan nila ni Maricar at ipinakilala sa amin ang dalaga.

Nakakatawa nga kasi pagkakita sa amin ni Maricar, “I remember you? At the presscon (solo-presscon niya sa I Love Betty La Fea) sa restaurant na tabi ng Japanese rest?” at binanggit namin ang Proud Mary restaurant na sarado na ngayon.

At ang dalaga na rin ang nagbanggit habang nakikinig si Richard ng, “I will never forget what you asked me about why I want to enter showbiz, tapos you asked me sino mga paborito ko or sino gusto ko, tapos wala akong maisagot, you told me na, ‘Bakit ka pa nag-showbiz, wala ka naman palang kilala?”

Dito na nag-react si Richard, aniya, “Really, tinanong mo siya, Reggs ng ganu’n? Grabe ka, ang bad mo,” birong sabi ng binata.

Sinabi namin sa dalawa na bagay sila sabay tanong kung ano na ang next level sa kanilang relasyon? “Grabe ka naman, kasasagot nga lang, ano na ang gusto mo?” birong sabi ulit ni Mr. Crooner.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: