Skip to content

TONI: ‘Yung panga ko ang malaki!

September 1, 2012

Naging isnabera  raw at lumaki na ang ulo

HANGGANG ngayon ay hindi tumitigil ang malilisyosong balita tungkol kay Toni Gonzaga.

Hindi mamatay-matay ang mga kuwentong pang-iisnab daw niya sa mga fans at ang pagkakaroon na niya ng attitude problem.

Ayon sa mga tsismis, diva-divahan na raw ngayon ang TV host-singer-actress, yumabang na raw ito at kung anu-ano na ang idini-demand.

May lumabas pang balita na nakalimutan na rin daw niya ang kanyang mga dating kaibigan.

Ayon kay Toni, kahit daw siya ay nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay may mga ganyang issue, mula pa raw noon ay iniintriga na siya na kesyo maarte, lumaki na ang ulo at isnabera.“Nu’ng bago pa lang ako sa industriya ganyan na ‘yan.

Tapos nu’ng kalagitnaan ng isyu, may ganyan din, tapos mawawala.

Hindi siguro natin maiiwasan ‘yun, hindi siguro malaki ang ulo ko, panga lang ang malaki!” natatawang chika ni Toni sa isang interview.

Inamin naman ni Toni na kung minsan ay hindi siya masyadong tumatawa o ngumingiti, ito raw siguro ang dahilan kung bakit may nagsasabing suplada o maldita siya.

“Siyempre sa TV bubbly ako, pero in person napagkakamalan nila akong suplada, napagkakamalan na moody, pero hindi nila naiintindihan sa personal na tahimik talaga ako.

Mahirap man paniwalaan pero tahimik talaga ako.

Nire-reserve ko lang ‘yon para paglabas ko ng TV, madaldal ako, pero in person tahimik talaga,” paliwanag  ng singer-actress.

May mga nagsasabi rin daw sa kanya na kailangan gumawa siya ng paraan para mabura sa isipan ng mga tao na masama ang ugali niya, “Yes, sabi ko nga kahit paano siguro mag-extend ako ng extra effort para di ako mabigyan ng impression and that’s what I did for a long time now.

Talagang nag-e-effort ako.

“Pag may nasasalubong ako, o may nakatingin sa akin, ako na ‘yung nag-uunang approach, bumabati, nagsisimula ng chikahan para mawala ‘yung ganu’ng impression and nawala naman and ngayon ko lang narinig ‘yan kaya mag-e-effort ako ulit,” pahayag pa ni Toni.

Hindi lang naman siya ang napapagitna sa ganitong sitwasyon, kahit nga ang kaibigan niyang si Vice Ganda ay inaakusahan din ng kung anu-ano, “Oo nga.

Siguro lahat ng artista, lahat ng mga nasa industriyang ito may on-and-off button na hindi laging on.

Minsan may off din na gusto nating mag-relax and just have time for ourselves.

“That’s why when I’m off stage, napi-feel ko na, ‘Ah, ito ang panahon ko para makapag-isip, makapagpahinga, mag-isip ng mga bagay-bagay, pag-isipan ang gagawin ko when I go back on stage.

Kaya when I’m onstage, ‘yun na ‘yung on-button, kaya minsan when I’m off-stage may off-button.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: