Skip to content

PACMAN ipinagtanggol si JINKEE sa mga tsismosa

September 1, 2012

Wala raw katotohanan na galit na galit na si Jinkee Pacquiao sa kanyang asawang si Manny dahil sa walang patumanggang pagbibigay nito ng pera sa ibang tao, lalo na sa mga kababayan nating nangangailangan ng  tulong.

May lumabas kasing chika na pinipigilan na raw ni Jinkee si Pacman na maglabas nang maglabas ng sariling pera para ibigay sa mga mahihirap, lalo na sa tumututok sa kanyang game show na Manny Many Prizes sa GMA 7 tuwing Linggo ng hapon.

Mismong si Pacman na ang nagsabi na hindi masamang tao ang asawa niya at naiintindihan nito ang ginagawa niyang pagtulong sa ating mga kababayan.

Sa katunayan daw, all out ang support ng kanyang misis sa kanilang mga charity works.

Sabi nga ng ilang kaalyado ni Pacman, simula nang maging malapit sa Diyos ang mag-asawa ay bihira na nilang makita ang mga ito na nag-aaway o nagkakatampuhan.Kaya naman hanggang ngayon ay inuulan pa rin sila ng blessings.

Anyway, sa Linggo ng hapon, magha-happy-happy uli ang lahat ng supporters ni Pacman. Pampaganang “Tsumayaw Tsumunod” ang ihahataw nina Joshua Dionisio at Barbie Forteza kasama sina Bela Padilla at Onyok Velasco.

Tutukan rin ang pinakabagong inaabangan ng bayan, ang KKK – Kering Keri Kaya? Isang simpleng hamon gamit ang piso katumbas ang P100,000.

Kayanin kaya ng maswerteng Kapuso ang challenge?

Kilalanin ang babaeng sumikat sa isang viral video sa YouTube na may konek pala kay ninong Manny – si Zendee Rose na bumirit-birit sa isang mall na kilalang-kilala na ngayon sa buong Pilipinas.

Sino naman ang mag-uuwi ng P1 million  sa Easy Manny game?

Lahat ‘yan, abangan bukas sa Manny Many Prizes, 2:45 p.m. pagkatapos ng Party Pilipinas sa GMA 7 lang.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: