Skip to content

IWA praning daw, ang cheap-cheap ng gimik

September 1, 2012

Ayaw pa ring tantanan si Jodi, dakdak pa rin nang dakdak

Ayaw pa ring manahimik nitong si Iwa Moto sa kapaparinig kay Jodi Sta. Maria gayong hindi naman siya pinakikialaman ni Jodi.

Gusto raw nitong si Iwa na ipaalam sa publiko na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nina Pampi Lacson and Jodi.

Kaya raw siya nag-iingay just to prove her point.

Wait lang, bakit ka ba dakdak nang dakdak?

May sinabi ba si Jodi na ikaw ang dahilan in the first place?

Napapraning ka ba?

Para ka namang nakadroga kung umasta samantalang tahimik lang naman si Jodi. The more tuloy na iniisip ng mga taong may kinalaman ka nga.

Kasi,di ba? Pinagbintangan mo dati si Jodi na nakarelasyon ng ex mong si Mickey Ablan gayong family friend lang naman ng pamilya ni Mickey si Jodi.

Lumalabas tuloy na ginantihan mo si Jodi dahil sa kapraningan mo kaya mo siguro “pinasukan” si Pampi.

Ayan, lumalabas tuloy ang totoong istorya – madali lang namang mag-one plus one, di ba?

And the nerve of this Iwa na palaging pinangangalandakang “Mommy” raw ang tawag sa kanya ni Thirdy, anak nina Pampi at Jodi – what is she trying to imply?

Na parang siya na ang tumatayong ina ng bata? Yuck!!!

Pasalamat siya’t bata pa si Thirdy at inosente pa dahil kung may isip na ang batang iyan, baka ikahiya lang siya.

Huwag nga siyang feeling – ang bunganga kasi nitong si Iwa, oo.

Kulang talaga sa pansin.

Wala naman yata itong AD-HD pero bakit siya nagkakaganyan?

Tama lang ang ginagawa ni Jodi na pananahimik hanggang sa kahuli-hulihang sandaling ito.

After all, Jodi has already moved on – mas maganda na yung hindi na niya patulan ang babaeng ito, lalo lang siya matsi-cheapan.

Kaya kita n’yo naman,  umaarangkada sa ratings ang serye nilang Be Careful With My Heart sa ABS-CBN.

Matinong babae kasi si Jodi both as an actress at bilang tao. Getz mo ba, Iwa? Matinong tao at actress si Jodi. Ikaw kaya?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: