Skip to content

KRIS binigyan ng bahay si ANGELINE

August 31, 2012

Grabe talagang matuwa ang sister ni P-Noy

Ibang klase talaga  mag-host ang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Lahat halos ng nagiging celebrity guest niya sa kanyang morning show sa ABS-CBN na Kris TV ay napapaamin niya.

Gaya na lang last Wednesday, biglang kinumpirma ng singer na si Richard Poon na mag-on na sila ng controversial Star Magic star na si Maricar Reyes last July 1.

Nadulas din ang dila ni Kris when she said na may isang dentist na dini-date ang singer na si Erik Santos na napili naman ni Angeline Quinto na maging escort niya sa darating na Star Magic Ball. Guest din that time ni Kris si Angeline kasabay ni Richard. At mukhang type ni Angeline si Erik, huh!

Feeling naman ni Kris nalungkot bigla si Angeline nu’ng ibandera niya na may dini-date na non-showbiz girl si Erik.

Kaya ido-double check daw niya sa manager ni Erik na si Ericson Raymundo kung dini-date pa rin ng singer ‘yung dentista.
Nabanggit naman ni Angeline na si Kris ang nagbigay sa kanya ng bagong bahay na pinapatayo niya.

Pero nilinaw ni Kris na ‘di ‘yun libre kundi hinuhulug-hulugan ni Angeline.

Sey naman ni Angeline, murang-mura raw ‘yun ibinigay sa kanya ni Kris.

Anyway, tuloy ang pagti-taping ni Kris ng teleserye niya na pinamagatang Kailangan Ko’y Ikaw kasabay ng pagti-tape rin niya ng ilang episodes for the week ng Kris TV.

This weekend, may pictorial at shooting for her endorsement si Kris kasama si Bimby.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: