Skip to content

ANDI ayaw pang umamin, mahal pa rin si ALBIE CASINO

August 31, 2012

TAHASAN naming sinasabing halatang di pa nakaka-move on ang mahal nating young actress na si Andi Eigenmann sa separation nito kay Albie Casino dahil tuwing naiinterbyu siya that brings up his name, may sound of bitterness pa rin sa mga sagot niya. Ha-hahaha!

Normal lang naman iyan – we live in denials – na kesyo okay na tayo though sa totoo lang, mahal pa rin natin ang tao.

Kaya nakakapagsalita tayo minsan nang hindi maganda about the person na nang-iwan sa atin.

And Andi is not an exception to that rule.

Tulad na lang halimbawa sa presscon daw ng “Pridyider” movie ng Regal Films, since horror movie nga ito at ‘yung ref referred here ay pumapatay yata ng tao, when asked by some writers kung papayag ba siyang ipasok sa pridyider si Albie para malamon or something.

Ang sabi raw ni Andi ay hindi na raw kailangan, gusto raw kasi niyang maranasan din ni Albie ang mga hirap na pinagdaanan niya sa buhay.Yung merong galit factor pa kumbaga. Obviously, by wishing ill of Albie, it only shows that Albie still exists in her consciousness kaya pag nabigyan ng chance ang dalawang ito to talk things over, baka magbalikan pa dahil in her heart ay meron pa siyang poot.

Di ba ganoon naman tayo, pag nagkapaliwanagan, maaaring bumalik ang old feelings natin sa isa’t isa?

Advise lang namin kay Andi, enough na yung galit kay Albie though hindi nga naman natin maiaalis sa kanya ang magdamdam.

Kaya we don’t believe Andi when she says that she has totally moved on. Very childish pa kasi ang mga batang ito.

Kaya kuwidaw na magkausap nang masinsinan ang dalawang ito dahil pag meron pa silang pag-ibig sa isa’t isa, for sure ay magkakabalikan pa iyan.

At may kasabihan tayong, love is lovelier the second time around.

Patay sila kay kafatid na Jaclyn Jose pag nagkataon. Kakatuwang nakakaloka ang mga bagets!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: