Skip to content

ANDI ayaw makita ang pagmumukha ni ALBIE

August 31, 2012

Hindi na kailangan ng tulong, kaya niyang buhayin ang anak  

“Salamat na lang po,” ang simpleng tugon ni Andi Eigenmann sa ipinarating naming mensahe na marami ang naiinis sa karakter niya bilang si Veronica sa serye ng ABS-CBN na Kahit Puso’y Masugatan.

Sa naturang soap kasi ay obsessed lover ni Rafael (Jake Cuenca) ang role ni Andi kahit alam na nitong ang kapatid niyang si Andrea (Iza Calzado) ang  gusto nito.

“Salamat naman at effective pala ako,” hirit ng aktres nang makaharap namin  sa presscon ng horror movie na “Pridyider” ng Regal Entertainment.

Hindi naman daw sa ipinagmamalaki ni Andi, pero naniniwala siya na “great teacher” talaga ang  mga  “sad experiences” niya sa buhay kaya medyo malalim na ang kanyang  napaghuhugutan.

“Even in a horror flick like this, nakaka-amaze na ma-discover na may ibang acting pala na required. Kahit ako natakot when I did my scenes. Mabilis magtrabaho si direk Rico (Ilarde). Kung sa soap ay nakakapag-moment ako sa mga drama scenes, dito sa ‘Pridyider’, ang moment ko totoong takot at gulat,” say pa ni Andi.

Simula nga nang mag-balik-showbiz ang aktres after manganak, dumami na uli ang kanyang trabaho at tsika niya, “Walang reason for me to complain.

Sige nang sige hangga’t meron at kaya,” pabaklang tsika nito.

Kaya naman ng kumustahin namin dito ang kanyang anak at reportedly ama nito (Albie Casino), sey uli nitong pabakla, “My daughter is my life now.

She is the reason why I’m doing all these. Hmmm, parang hindi ko na po talaga matandaan kahit ang mukha niya!” Tarush!

Sa Sept. 19 naman ang playdate ng “Pridyider” kung saan bida rin sina JM de Guzman, Janice de Belen, Joel Torre, Venus Raj at ang mahal naming si Baron Geisler.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: