Skip to content

KRIS naimbiyerna , fans ni SARAH nag-sorry

August 29, 2012

Presidential sister napikon sa makukulit at intrigerang mga  Popsters

Napikon na si Kris Aquino sa maling perception na siya ang ayaw pumayag na mag-guest si Sarah Geronimo sa kanyang show, ang Kris TV.

Isang Sarah fan ang tila nang-intriga kay Kris tungkol dito.

“Ms. kris dont you like sarah geronimo? never mo kasi syang na-guest sa show mo lagi na lang si kim at Kristine,” tweet ng isang follower.

Seemingly pissed off, Kris retorted, “y am I always the contrabida.

Once & for all, maybe ako ang HINDI NILA GUSTO. right? Last na yan PIKON na ko.”

Isa pang makulit na fan ni Sarah ang nagtanong, “Bakit daw po ayaw niyo i-guest si Sarah Geronimo sa Kris TV?”Pointblank ay sinagot na ito ni Kris ng, “I think it’s the reverse. I don’t think they R comfy w/ me.”

Apparently, hindi naman member ng Popsters ang nag-tweet kay Kris na nang-intriga kaya naman isang miyembro ng fans club ni Sarah ang nag-apologize kay Kris.

“Ms Kris sorry po kung may isang nagtweet sa inyo na nagpapanggap na Popsters.. kami na po ang humihingi ng sorry..”

Naintindihan naman siya ni Kris who said, “No problem. I’ve always liked Sarah.

Na HURT na ko na parang ako pa may ayaw. Thanks for clarifying. Mabuhay ang POPSTERS.”

Earlier ay nasulat na naming ilang beses nang inimbitahan ng staff ng Kris TV si Sarah kaya lang ay tila hindi interesado ang kampo nito.

Walang paliwanag ang kanyang camp kung bakit palaging hindi available ang singer-actress.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: