Skip to content

BEA: Sa totoo lang, hindi ko pa talaga kilala si JOHN LLOYD!

August 29, 2012

MULING nagtambal sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang pelikula, ang “The Mistress”.

Ten years na ang kanilang team-up and the two were asked kung bakit sila nag-click as a love team kahit na walang romantic involvement between them.

“Hindi namin ginrab o hindi naming hinaluan ng personal ‘yung isang bagay na puwedeng mag-last at maging napakaespesyal hindi lang sa aming dalawa kundi para sa sumusuporta sa amin ngayon.

Alam naman natin ‘di ba kapag may halong personal na nagkakaproblema.

More often than not ay nabubuwag ‘yung tandem,” esplika ni Lloydie sa presscon ng “The Mistress”.“Natutuwa kami na talaga, ako personally natutuwa na until now  ay kaya pa naming gumawa, very much able to do a movie, sell a movie.

Very soon we’ll be back with a teleserye.

Kung meron mang nabago kahit na maliit, kahit na konti sa aming nakaraan ni Bea baka hindi kami nakaharap dito,” dagdag pa ng binata.

For Bea, isang malaking blessing na ibinigay sa kanya si Lloydie as leading man, “Para sa akin this is one of the greatest gifts na binigay ni Lord sa akin na binigyan ako ng isang John Lloyd Cruz sa buhay ko na palagi kong nakakatrabaho, kasabay kong natututo, parang sabay kayong umaakyat sa bawat steps ng buhay ninyo.”

But when asked kung anong chemistry o magic meron sila,

Bea can’t pinpoint exactly what made them click.

“Hindi ko rin alam, baka iyon ‘yung tinatawag nila na blessing na hindi mo maintindihan na meron talaga kayong chemistry.

Hindi mo siya maipipilit, eh.

Baka isa rin ‘yung, nakakatulong din ‘yung pagiging komportable namin sa isa’t isa and nakakatulong din ‘yung sense of familiarity naming sa isa’t isa.

“I am very familiar with John Lloyd and yet hindi ko siya kilalang-kilala.

Parang laging may something to discover with him.

Minsan nahihiya pa rin ako sa kanya,” sabi ng aktres.

Role ng isang kabit ang ginampanan ni Bea while John Lloyd’s character fell in love with her kahit na alam niyang meron na itong dyowang DOM.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: