Skip to content

SHAINA naging boba sa pagpili ng mga dyowa

August 28, 2012

‘Sana nga mas maging wais na ako ngayon!’

MAY isang kahilingan si Shaina Magdayao pagdating sa kanyang personal na buhay, lalo na sa usaping lovelife.

Sana raw ay mas maging wais na siya ngayon sa pagpili sa bagong lalaking kanyang mamahalin.

Hindi man diretsahang sinabi ng aktres, pero parang pinalalabas niya na naging “boba” siya sa pagkikipagrelasyon sa dati niyang mga naging boyfriend.

At ngayon  ay talagang ine-enjoy lang niya ang pagiging single.

Nu’ng huli naming makita si Shaina ay may bakas pa rin sa kanyang mukha ng pagkalungkot at panghihinayang, siguro’y nasa stage pa rin siya ng pagtanggap na wala na talaga sila ni John Lloyd Cruz.

Kung noon ay may chikang umaasa pa siya na makakabalikan sila ni Lloydie, ngayon ay nawala na itong tuluyan dahil nga sa rumored romance ng aktor sa dati niyang kaibigan na si Angelica Panganiban. Siyempre, ang ginagawa na lang ni Shaina ay ang magpasalamat sa mga positibong bagay na dumarating sa kanyang buhay, dedma na muna ang mga kanegahan.

Aniya sa isang interview, “I’m very happy with all the blessings that I’m receiving.

My work, our show is doing so well.

At the same time I’m very blessed to have good friends and good family,  very supportive.

Siguro I’m just looking forward to a new Shaina, a lot wiser.”

“I’m learning so much about life. I’m looking forward to becoming wiser pa, more experienced, siyempre gusto ko lahat ng natututunan ko sa buhay ko ngayon I’ll keep all of them, I’ll learn from them talaga. I’ll treasure those experiences and move on with my life, with my new life,” dugtong pa ng leading lady ni Jake Cuenca sa afternoon series ng ABS-CBN na Kung Ako’y Iiwan Mo.

Inamin ni Shaina na sandamakmak na aral na ang natutunan niya sa kanyang mga minalas na relasyon,  “Sobrang dami kong natutunan with everything that’s happened.

One thing’s for sure, sa dami ng pinagdaanan ko, I always pray and I always say that I’m never bitter about life. I always believe in God’s purpose.

“Ano pa ba ang mahihiling ko? Natutuwa ako kasi maraming nakaka-appreciate sa akin, so wala na siguro akong mahihiling at this point in time,” paliwanag pa ni Shaina.

At isa nga sa ipinagpapasalamat niya ng bonggang-bongga ay ang patuloy na pamamayagpag ng number one afternoon drama ng Dos na Kung Ako’y Iiwan Mo.

Base sa pinakahuling datos ng Kantar Media noong Martes (Aug. 21), humataw ng 16.6% national TV ratings ang Kapamilya Gold drama series nina Shaina, Jake, Bangs Garcia at Ron Morales.

Naungusan nito ang lahat ng katapat na programa sa ibang network.

Patuloy ang pagkapit ng afternoon viewers sa mas gumagandang kuwento ng Kung Ako’y Iiwan Mo lalo na nang muling magbalik ang alaala ni Sarah (Shaina) at nanindigan itong layuan ang asawang si Paul (Jake) at ang kaibigang nanloko sa kanya na si Rino (Ron).

Ngunit anong bagong hatid na problema ng bagong “kaibigan” ni Paul na si Sandra (Dianne Medina)? Ito ba ang magpapanumbalik ng pagmamahal ni Sarah sa asawa o magpapalala ng away nila ni Mia (Bangs)?

Napapanood pa rin ang Kung Ako’y Iiwan Mo araw-araw, 2:30 p.m., after Angelito.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: