Skip to content

YNNA ASISTIO nanakawan ng P380,000 sa ATM, suspek hinahanting na

August 27, 2012

Na-hack daw sa computer ang kanyang bank account

Grabe pala ang nangyari kay Ynna Asistio, ‘no! Nakachika ng press ang Kapuso actress sa presscon ng seryeng Sana Ay Ikaw Na Nga ng GMA 7 kamakailan at naikuwento nga niya ang pagkawala ng halos P380,000 sa kanyang ATM.

Ayon kay Ynna, nanakawan daw siya sa kanyang ATM sa pamamagitan ng pagha-hack diumano sa kanyang bank account. Aug. 7 daw kasi ay nagdeposito siya sa kanyang bangko ng P500,000 at noong Aug. 10 naman daw nagsimulang manakawan ang kanyang account.

Tanong sa aktres, sino raw kaya ang nag-hack ng kanyang account na nakapag-withdraw kahit hindi gamit ang ATM niya?

“Hindi po namin alam, tapos under investigation po siya sa ____ (pangalan ng bangko) kung sino nga yung hacker.

Kasi po, malalaman lang thru CCTV (closed-circuit TV) nu’ng mga winidrohan kung kilala ko o hindi. Kaya lang, imposible po na kilala ko kasi nasa akin nga yung ATM card,” sagot ng dalaga.

Paliwanag pa ng girlfriend ni Mark Herras, “Ang nangyari nga po is na-duplicate yung ATM card ko.

Meron na daw pong ginagamit na device ngayon na pinapasok lang du’n sa machine, paglabas ng card, kopya na lahat yung details.

“Bale 38 transactions in a span of one week, hindi ko alam kung paano nangyari.

Ten thousand pesos, thirty eight times—P10,000. And then, kanina lang po, talagang pumunta na kami sa banko para malaman namin, kasi hindi kami matahimik, siyempre po.

“Hanggang ipinakita nila lahat ng transactions, mga unauthorized transactions, through ATM talaga.

Lahat ng ibang klase ng bangko, pinuntahan para mag-withdraw.

Pero mukhang magaling po talaga yung gumawa kasi kitang-kita mo sa record na parang ang ginagawa niya, iba-block niya yung card

Pagkatapos niyang kunin, iba-block niya yung card ko, tapos the next day, gagamitin niya ulit,” paliwanag pa ni Ynna.

Sa ngayon ay naghihintay pa ng sagot si Ynna mula sa management ng kanyang bangko sa isinasagawa nitong imbestigasyon.

Ang payo naman ng dalaga sa lahat ng mga may ATM cards, maging triple sa pag-iingat kapag nagwi-withdraw sa mga machine para maiwasan ang ganitong modus operandi ng mga magnanakaw.

Anyway, buti na lang daw at may trabaho uli ang dalaga  at mababawi rin niya ang nanakaw sa kanya, ito nga ang seryeng Sana Ay Ikaw Na Nga kung saan gaganap siyang best friend ng bidang si Andrea Torres.

Magsisimula na ito sa susunod na Lunes sa Afternoon Prime ng GMA 7.

Kuwento ng dalaga, challenging daw ang role niya rito bilang kikay na kaibigan ni Andrea.

‘;, Marami raw pauusuhin si Ynna sa serye kaya ‘yan daw ang abangan n’yo.

One Comment leave one →
  1. anabelle permalink
    August 27, 2012 6:01 pm

    Di ba u can only w/draw up to a maximum of 20k a day via ATM. At kamusta naman tax declaration mo kung me ganyan kang kita… Careful

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: