Skip to content

Magtutuwad at maglulupasay man si IWA, hinding-hindi raw papatulan ni JODI

August 27, 2012

HALOS umabot na sa 30% mark ang ratings kamakailan ng number one daytime program ng bansa na Be Careful With My Heart.

Base sa survey ng Kantar Media noong Martes (Agosto 21), nakamit ng kilig-serye nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ang all-time high national TV ratings nitong 26.4% mula nang magsimulang umere ang kanilang serye noong Hulyo.

Halos 16 puntos ang lamang ng programa sa katapat nitong programa sa GMA na Kusina Master na nakakuha ng 10.7%.

Patuloy ang pagtutok ng TV viewers sa makulit, masaya, at nakakikilig na kuwento ng unti-unti ngayong nagkakalapit na sina Yaya Maya (Jodi) at si Sir Chief na si Mr. Lim (Richard). Ngayong nagbalik-eskwela na si Maya, nalalapit na kaya ang katuparan ng ultimate dream niya na maging isang flights stewardess?

O isang hindi inaasahang pag-iibig ang hahadlang rito?

Huwag palampasin ang Be Careful With My Heart, araw-araw, 10:45 a.m., bago mag-It’s Showtime, sa Prime-Tanghali ng ABS-CBN.

Anyway, speaking of Jodi, nagkita na pala sila nang personal ni Iwa Moto, ang bagong girlfriend ng dati niyang asawang si Pampi Lacson.

Nangyari ang pagkukrus ng dalawa nang sunduin daw ni Jodi ang anak nila ni Pampi na si Thirdy.

Sabi ni Iwa, hindi raw siya pinansin ni Jodi kaya hindi rin daw  niya ito pinansin.

Wala naman daw naganap na komprontasyon sa pagitan ng dalawa, tahimik at walang-kibong umalis si Jodi kasama ang anak.

Ayon pa kay Iwa, dinepensahan lang daw niya ang kanyang sarili kaya siya nagsalita laban kay Jodi, ayaw daw kasi niyang maniwala si Thirdy sa isyung siya ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Pampi at Jodi.

Sabi pa raw nito,  “Kontrabida na kasi ang dating ako, so people are doubting me, pero ito na lang, we are public figures and we owe it to the public to at least answer if it’s true or not.”

Well, kahit na siguro magtutuwad o maglulupasay pa si Iwa talagang hindi na siya papatulan ni Jodi.

Mas mabuti na nga naman ‘yung manahimik na lang ang magaling na aktres kesa aksayahin niya ang kanyang lakas at panahon sa isang tulad ni Iwa Moto, di ba?

At kung kami si Iwa, hindi na rin kami magsasalita, mas pagbubutihan na lang namin ang aming trabaho kung meron man.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: