Skip to content

JOHN LLOYD umamin, naging kabit noon

August 27, 2012

Ano’ng masasabi mo ngayon Angelica Panganiban?

Bea humingi ng diamond na hikaw kay Lloydie

OK lang kay John Lloyd ang magpakita ng pwet

“PERFECT Sunday” na sana kahapon dahil maganda ang panahon pero hindi naging super perfect para sa entertainment press na dumalo sa presscon ng “The Mistress” ang mga sagot ni John Lloyd Cruz tungkol sa isyu sa kanila ni Angelica Panganiban.

In fairness, nakiusap ang aktor na hindi ang nasabing presscon ang tamang venue para pag-usapan ang “perfect Sunday” nila ni Angelica dahil nakakahiya sa leading lady niyang si Bea Alonzo na katabi niya ng sandaling  iyon.

“Alam n’yo, alam ko ‘yung pinupuntahan ng tanong ninyo, this is not the right place, the right time to talk about it, some other time, maybe?

Not now because nandito kami ni Bea to celebrate our 10 years in the business and we have a beautiful movie to promote,” pakiusap ni John Lloyd.Pero bilang maganda ang takbo ng question and answer sa ginanap na presscon ay inamin ni Lloydie na perfect Sunday nga kahapon.

“Today, well in terms of itong napuntahan at paano kami tinanggap ng mga kaibigan natin sa press, it could be more perfect,” nakangiting sabi ng aktor.

Kaya ang tanong, sa 10 taon na magka-loveteam sina JLC at Bea ay hindi man lang ba nagkaroon ng chance na ma-attract sila sa isa’t isa?

“Meron naman, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Bea, kita n’yo naman ngayon (sexy), pero hindi dumating sa puntong niligawan ko siya, hindi ko rin alam.

Siguro mas okay na rin kasi napanatili naming maganda ang relasyon namin bilang magka-partner,” paliwanag ng aktor.

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay John Lloyd Cruz, halos lahat ng babae, napapasagot niya.

Kami, hindi umabot du’n.

Saka lagi kaming nag-aasaran, grabe kami magbiruan lalo na kung laitin niya ako na mataba ako,” nakangiting sagot naman ni Bea.

Pero umamin si Lloydie na noong nasa early 20s) pa siya ay nagkaroon din siya ng karelasyon namay sabit, “Meron, sabi ko okay, settled ako sa ganu’n, siguro I was in my 20s that time.

Hindi ko rin alam kung paano nangyari ‘yun, the feeling is too strong, hindi ko kayang kontrolin.

“And pumayag na ako, nabigkas ko ‘yung salitang (sa babae), ‘Okay lang, kung kailan ka may time, okay na ako du’n (sa set-up).

Mahirap kasi nawawala ‘yung respeto, hindi naman sa immoral siya, pero parang dine-dare ka niya to be someone you’re not, kasi ‘yun nga, masyadong malakas ‘yung nararamdaman mo for the person.

It’s  quite a struggle, definitely kasi alam mo na mali, eh.

“Pero, lagi ko ngang sinasabi, you can’t argue with love, but I found later on na infatuation lang.  Infatuated lang pala ako.

“So I realized na, she deserves better.

She did not deserve to be in that kind of situation.

So in a way, naging instrumental ako na kaya siya nalalagay sa ganu’ng sitwasyon is because hindi niya nagagawa kung ano ‘yung tama,” mahabang kuwento ng aktor.

Kabaligtaran naman ni Bea si JLC dahil, “Ako, hindi ko kayang may ibang karelasyon (boyfriend) kasi possessive ako.

Hindi ko kayang may ka-share.  May nangyari noon na sa mata ng publiko, ganu’n ang nangyari, pero hindi ganu’n.”

At dahil nagse-celebrate sila ng 10th anniversary sa showbiz ay tinanong ang dalawa kung ano ang regalo nila sa isa’t isa.

Ang hiniling ng aktres ay isang two-carat diamond earrings, “Meron, ay sasabihin ko na sa TV (camera) para malaman ng lahat,” kinikilig na sabi ni Bea habang natatawa naman ang aktor.

“Bibigyan niya ako ng earrings sa birthday ko (Oct. 17), two carats,” sabi pa ng aktres.

Ani ni JLC, “Alam n’yo ang jewelry, ang mga jewelry, makinig ka Bea, makinig ka, importante ito, (sabay hampas ni Bea sa balikat ng leading man) huwag mong lukutin ang damit ko (sabi ng aktor) ang jewelry pag binibigay ng isang lalaki sa isang babae, e, napaka-intimate nu’n.

Sign of intimacy ‘yun.”

Ganting sagot ni Bea, “Sampung taon na ‘no, basta hindi ka na magreregalo sa akin, basta earrings lang, okay na sa akin Lloydie, kahit hindi na every year.”

Say naman ni Lloydie, “Sinabi mo ‘yan ha, o sige.”

Ang gustong regalo naman ni Lloydie mula sa ka-love team, “Condo at kotse.” Sago naman ni Bea, “Oy, ang kapal mo, mas mayaman ka sa akin ‘no!”

Samantala, hindi pa nakukunan ang love scene nila sa “The Mistress” dahil kasalukuyan pang nag-iisip si direk Olive Lamasan kung anong posisyon (kamera) at anggulo ang kukunan.

Birong sabi ng aktor, “Kung anong posisyon (sabay tawa) ng kamera at anggulo?

Kung type ipakita ni direk Olive ang puwet ko at kung maganda ang rehistro nito sa kamera, baka puwede.

Basta ang sigurado, hindi ‘yung mga nagawa na namin ni Bea sa ibang pelikula namin o nagawa na namin, mature love scene.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: