Skip to content

‘Hindi malanding babae si RITA AVILA, ‘NO!’

August 27, 2012

Totoo bang nakikipag-flirt kay Goma?

A TEXT message is a text message is a text message.

At wala itong piniling oras, at kung sinuman ang nagpapadala.

It’s a 24-hour thing at nasa tumatanggap iyan kung sasagutin niya agad ang ipinadalang text sa kanya or dededmahin muna niya during late night at sasagutin na lang paggising.

Iyan ang reaksiyon ko sa mga pinagkakalat nilang nag-text daw si Rita Avila kay Richard Gomez na ikinagalit daw ni Lucy Torres recently.

What’s wrong with Rita texting Goma in the first place kung iyon ang argument ng iba?

Was the message a threat to Lucy?

Hindi naman yata, eh. It was an ordinary message someone receives from someone.

Hindi naman text na nagyayayang magsiping – text na nagsasaad ng pagnanasa or what – it was a very friendly text lang naman that was sent late at night. For sure, naka-silent naman ang phone ni Richard that early morning before going to sleep pero nagkataong nabasa lang ng misis niya and became a small issue.

Kilala naman natin si Rita Avila, hindi malandi ang babaeng iyan.

She’s a very beautiful person, inside and out.

Napakabait na kaibigan and very religious at that.

And take note, she is happily married and is just soooooo friendly and nice.

Kaya sana ay huwag naman nilang bastusin ang pagkatao ni Rita just because of a simple and plain message to her friend Richard.

Kay daming mga sitsit silang pinalalabas on Rita.

Na kesyo weirdo ito, kesyo kinakausap daw ang manika and what not.

Na parang may sanib daw ito lalo na nu’ng namatayan siya ng baby.

I don’t like to think of it this way – baka meron lang talagang pinagdadaanang something si kaibigang Rita and she needs understanding.

Instead of misinterpreting her actions otherwise, dapat sana ay alalayan pa natin siya bilang kaibigan.

Masakit ang mamatayan ng pinakamamahal na anak, bah.

Hindi biro iyon. Kung sa akin nangyari iyon, baka nabaliw na ako or baka sinundan ko na siya sa langit.

Yung iba kasi, ginagawa nilang katatawanan ang mga bagay na ito, wala na ngang maitulong sa tao, ginagawa pang laughing stock. Hay buhay.

Laos? Rita says she doesn’t mind na tawaging laos kung iyon ang nais isip ng iba.

She said na it was her choice to take the other route, ‘yung peaceful one. And we have to respect that.

After all, she has enjoyed being big before at hindi na niya kailangang pang mag-wish ng more.

Okay na sa kanya ang may trabaho para malibang siya.

Okay na sa kanya ang tahimik lang na buhay, ayaw na niya siguro ng sobrang maingay na mundo.

I love Rita Avila. Hindi man kami madalas magkita pero I have so much respect for her.

She’s a wonderful lady. She’s a sweet friend. I feel so good at times that she’d text me.

Happy ako for her and everytime I would hear or read something unfavorable sa kanya, nahe-hurt ako. Love ko kasi ang babaeng iyan.

We may not be the best of friends but I truly care for her.

That’s how she is to me. Yung sinasabi nilang kinakausap daw ni Rita ang manika just to imply that she is out of her mind, keber!

Kung naiinggit kayo, kausapin n’yo rin ang pader sa bahay ninyo.

Walang basagan ng trip, di ba? Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: