Skip to content

EJAY FALCON sawang-sawa na kay EMPRESS

August 26, 2012

Naaliw kami kay Ejay Falcon pagkatapos ng question and answer sa presscon ng pelikulang “Amorosa:  The Revenge” na ginanap sa Wangtu Restaurant sa Il Terrazzo, nabanggit kasi niya na sa tuwing may presscon ay walang ibang tinatanong sa kanya kundi ang leading lady niyang si Empress at kung ano na ang real score sa kanilang dalawa.

Natawa kami dahil naikuwento pa niya ito sa ABS-CBN TV executive na si Enrico Santos na sinagot naman si Ejay ng, “E, kasi wala kang isyu kaya ganu’n.”

Oo nga naman, ano ba ang bago ngayon kay Ejay Falcon?

Bukod sa wala pang titulo ang napanalunan niyang bahay mula sa Globe Asiatique na ilang beses na rin naman niyang naikuwento ay wala na talaga kaming maitanong na bago sa kanya?

Wala naman siyang kinasasangkutang gulo o hindi naman siya nanulot ng girlfriend para sana may mapag-usapan.Sa madaling salita, masyadong mabait si Ejay at maski nga raw mapagalitan ay nasa isang tabi lang ito,
ayon mismo sa mga direktor na nakakatrabaho na niya.

Ang huling TV show niya ay ang seryeng Mundo Man Ay Magunaw kasama si Empress na hindi naman daw niya niligawan dahil magkaibigan lang daw sila.

Kaya nang tinanong siya sa presscon kung anong nabago sa kanya ay sinagot niya ito ng, “Medyo tumaba ako ngayon, pero nagpapayat na ako ulit para maibalik ko ‘yung dating katawan ko na kailangan ko rin sa bago kong teleserye.”

Ang sumunod na tanong ay tungkol na kay Empress, ano na ang bago sa muli nilang pagsasama? “Basta ang role ko rito sa ‘Amorosa’, kabaligtaran sa lahat ng nagawa ko na, na laging mabait, umiiyak, dito ibang-iba po, surprise po, panoorin na lang,” sabi ni Ejay.

Ikaw bossing Ervin, ano naman ang masasabi mo kay Ejay? (Ha-hahaha! Ako na naman ang tinanong mo Reggee ha! Pero gusto ko sanang malaman kung hindi ba siya nagsasawa na sagutin ang mga tanong ng press about Empress? Ha-hahaha! Ed)

Anyway, mapapanood na ang “Amorosa: The Revenge” sa Agosto 29 kasama sina Enrique Gil, Martin del Rosario, Empress at Angel Aquino.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: