Skip to content

‘WARNING: Wag na wag hihipuan si COCO MARTIN!’

August 25, 2012

Bilang pasasalamat at upang mapagbigyan ang kahilingan ng libu-libong tagahanga ng pangunahing bida ng seryeng Walang Hanggan, magkakaroon ng solong mall show si Coco Martin bukas, Aug. 26, 5 p.m. sa Trinoma Mall.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay bubuksan ng naturang mall ang malaki nitong venue para sa isang local artist upang mas maraming ma-accommodate na tao.

Ang Trinoma Mindanao Open Parking lot ang nagsilbing concert venue ng ilang popular foreign artists gaya ng 30 Seconds to Mars at Dashboard Confessional.

Maki-bonding na at makisaya para sa ultimate kilig experience with Coco ngayong Linggo at bigyang-katuparan ang inyong mga pangarap na makita up close and personal ang number one matinee idol sa bansa.

Pero pakiusap naman, sa mga pupunta sa event na ito, huwag na kayong gagawa ng mga kabastusan ha, huwag n’yo namang hipuan o dakmain si Coco, magkasya na kayo sa kanyang yakap at halik. ‘Yung iba kasi, hindi mapigilan ang kanilang mga sarili, talagang gagawa at gagawa ng paraan para makapangbastos lang.

Anyway, patuloy na subaybayan ang Walang Hanggan gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS at alamin kung paano ipaglalaban nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia Montes) ang kanilang pagmamahalan.

At alamin kung totoong papatayin na ang karakter ni Eula Valdez bilang si Black Lily sa number one series sa Pilipinas.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: