Skip to content

ANGELICA biglang naging isnabera, problemado agad kay JOHN LLOYD

August 25, 2012

Dinedma-dedma ang mga bumabati sa kanya sa ABS-CBN

ANO ba itong is Angelica Panganiban, bakit daw bigla itong naging suplada at isnabera?

Natsismis kasi siyang hindi namamansin habang naglalakad sa corridor ng ABS-CBN.

Payuko-yuko pa raw ito at parang ang feeling ay pagkakaguluhan siya ng mga taong nakakakita sa kanya.

Kahit na raw pinansin na siya ay hindi man lang ito ngunit o nag-hi man lang, as in wala lang, dedma lang.

Talagang wala raw reaksiyon ang aktres sa mga bumabati sa kanya.

Kaya naman marami na ang naiinis sa kanya.

Ang sabi namin, baka naman may malalim lang na iniisip si Angelica? Baka magulo ang utak niya nang mga oras na ‘yun?

O, baka naman nagme-memorize siya ng kanyang script?

O hindi naman kaya may malaki siyang problema  sa kanyang personal na buhay?

Minsan kasi, hindi natin alam kung ano ang nasa isip ng isang celebrity.

May mga moods din sila that we have to understand.

May mga panahon ding gusto nilang magsarili na lang at ayaw mamansin.

It’s pretty normal. Tao rin naman ang mga artista na may attitude kung minsan.

Pero kung lagi na lang niyang ginagawa ang pang-iisnab sa bawat taong bumabati sa kanya, aba, e, ibang usapan na ‘yan.

Pero baka nga hindi lang  narinig ni Angelica ang pagbati sa kanya kaya hindi siya nakasagot kaagad ng pagbati rin.

O, pwede ring may pinagdadaanan agad sila ni John Lloyd Cruz?

Ganu’n? May problema agad, e, hindi pa nga sila diretsahang umaamin na sila na?!

Mahirap kasi talaga ang patagong relasyon, di ba?
a!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: