Skip to content

SARAH, GERALD tuloy ang landian

August 24, 2012

Kahit anak ng politiko ang type ni Mommy Divine

MARAMI na ang naglalabasan sa totoong dahilan daw kung bakit ayaw ni Mommy Divine na maging boyfriend ng anak niyang si Sarah Geronimo si Gerald Anderson dahil meron daw pala itong minamanok para sa kanyang anak.

Ito ‘yung anak daw ni Camarines Sur Gov. L-Ray Villafuerte na tatakbo yatang mayor sa kanilang bayan.

Iyon daw ang gusto ni Mommy Divine na maging boyfriend ni Sarah dahil mas mayaman nga naman ito at nakasisigurong hindi magugutom ang kanyang anak sakaling maging mag-asawa sila.

Hindi raw niya feel ang kahit sinong taga-showbiz, not just Gerald for that matter, dahil unstable nga naman ang trabaho sa negosyong ito.

May pera ka ngayon pero bukas-makalawa ay wala na. Kasi nga, hindi permanent ang work sa showbiz.

“Proud na proud na naikuwento sa amin ni Gov. L-Ray Villafuerte na tumatawag daw sa kanya si Mommy Divine.

Mismong si Mommy Divine daw ang nagsabi sa kanyang hindi boyfriend ni Sarah si Gerald.Aba, ang nanay, gustong maging son-in-law ang anak ng gobernador.

Kaya pala ayaw niya kay Gerald, meron pala sin para kay Sarah. Ha-hahaha!” kuwento ng isa naming source na kakilala ang magiting na gobernador.

In fairness to the good governor, hindi naman daw siya tutol sa kung sinuman ang makarelasyon ng kanyang mga anak. Ang sa kanya lang, kung saan sila maligaya ay suportado nila.

Hindi naman niya sinabing magsyota na sina Sarah at anak niya, ang tanging nabanggit lang niya in passing sa kanyang non-showbiz associates ay nagkakausap sila ni Mommy Divine.

Naaliw lang daw siya at flattered at nagkakausap sila ng ina ni Sarah.

Kaya pala masyadong tumangos ang ilong ni Mommy Divine, kasi nga naman, meron siyang big time na minamanok for her daughter. Kaaliw siya.

Para siyang old Chinese trader na bata pa lang ang mga anak ay mina-match na sa kung sino ang gustong makatuluyan in the future.

Di ba may ganyang tradisyon ang mga Intsik? Yung mga parents nila ang nag-aayos kung kanino dapat pakasal ang mga anak nila. Dapat siyempre sa mga ka-level nila.

Ha-hahaha! In short, parang nagpapahiwatig si Mommy Divine sa governor na okay sa kanya na maging GF ng anak nito si Sarah.

Si Sarah naman daw ay player din.

Kumbaga, pinagbibigyan daw nito ang mga kapritso at ka-echosan ng kanyang ina pero patago pa ring nakikipagkita kay Gerald.

May nagbulong sa aming kiyemeng hiwalay sila ni Gerald para di na mabuwisit ang mga magulang niya pero ang totoo niyan ay tuloy pa rin ang harutan ng dalawa.

Kasi nga raw, super inlababu raw si Sarah sa guwapong aktor.

Kumbaga, meron na raw silang silent arrangement ni Gerald na kapag nandiyan ang parents niya ay break sila – as in, dedmahan.

Pero pag wala, tuloy ang ligaya. True ba ito, ha Sarah?

Well, malalaman din natin iyan in the end kung kanino mapupunta si Sarah – sa mayamang anak ng pulitiko o sa mayaman sa pag-ibig na aktor?

Well, huwag lang mabuwisit si Sarah sa mga magulang niya at baka siya pa ang magyayang makipagtanan kay Gerald. Kaya?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: