Skip to content

JOHN PRATS galit na galit kay ANGELICA; JOHN LLOYD ahas daw nang

August 23, 2012

Dahil pumayag makipagrelasyon kay John Lloyd

Nang unang ikuwento sa amin na dedmahan ngayon sina Angelica Panganiban at John Prats dahil kay John Lloyd Cruz ay binalikan namin ng tanong ang aming source – naging girlfriend ba ni Pratty ang seksing aktres?

“Hindi, mag-best friend sina Pratty at Angelica, di ba?” mabilis na sagot sa amin.

At doon lang namin naalala na totoong magkakaibigan nga sila noong mga bata pa kasama sina Carlo Aquino, Stephano Mori, Shaina Magdayao at Camille Prats at sila-sila rin ang magkaka-loveteam noon. Kaya naman namin naitanong kung naging girlfriend ni John Prats si Angelica na sinasabing karelasyon na ngayon ni John Lloyd ay dahil may record na ang huli na “manunulot” – balitang sinulot noon ni Lloydie si Shaina kay Pratty, di ba? At simula nga noon ay hindi na nagpapansinan ang dalawang John sa buhay ni Shaina.

“Nag-usap na sina Angelica at John Prats tungkol diyan at hindi na sila nagkikibuan ngayon,” kuwento ng aming kausap na taga-ABS-CBN.

Ang magkaibigang Angelica at Shaina naman ay balitang nagkasira dahil naman kay John Lloyd.

Base sa panayam kay Angelica ay ayaw muna niyang magsalita kung ano ang real score sa kanila ni Lloydie, basta pabayaan na lang daw muna ang pagiging masaya at sa sobrang haba ng buhok niya ngayon.

Hindi naman promo ang mga isyung ito para sa pelikulang “The Mistress” nina Lloydie at Bea Alonzo, di ba bossing Ervin?

(Ayan ka na naman Reggee, ako na naman ang tinanong mo! Siyempre, kasali na ‘yan sa promo. Ha-hahaha! – Ed)

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: