Skip to content

DEREK bagsak na bagsak ang career

August 23, 2012

Kapalit ng P500-M talent fee niya sa TV5…

Marami ang nakakapansin na super bagsak na ang career ni Derek Ramsay ngayon.

Kahit natupad na ang pangarap niyang makapag-host sa coverage ng TV5 ng London Olympics, parang di naman daw ito naramdaman sa London.

“Manaka-naka lang naman siyang nakita sa TV5. Bandang madaling araw na yata kaya parang hindi rin na-feel ang presence niya.

Siguro dala na rin sa walang napanalunan ang Pilipinas dahil isa nga tayo sa naging kulelat sa nakaraang Olympics kaya pati si Derek ay di naramdaman. “Malaki nga ang bayad sa kanya pero nasaan naman ang career niya? Bigla siyang naglaho.

Kahit minu-minuto siyang nagpapadala ng mensahe sa Twitter, wala na siya.

He’s down to the gutters as far as his career is concerned.

Iba pa rin nu’ng nasa ABS-CBN siya.

Yan ang napapala sa masyadong nagmamadaling yumaman,” anang isang observer natin.

Mayaman naman talaga si Derek, di ba? He’s from a well-off family kaya di naman siguro pera ang prime reason kung bakit siya lumipat sa TV5.

“Iba yung pera ng pamilya niya, iba ‘yung sa kanya lang.

Ikaw nga ang operan ng P500 million or so ng isang network, makakatanggi ka ba? “Plus super spoiled daw siya sa TV5 dahil siya ang apple-of-the-eye ng isang mataas na executive nila.

Di ba, isa iyon sa dahilan kung bakit hiniwalayan niya si Angelica Panganiban, pinagbawalan siyang makipagrelasyon habang nasa TV5 siya.

Selosa kaya ang may hawak sa kanya roon,” sabi ng isang nagmamarunong.

Ay, wala akong alam sa mga bagay na iyan, ha! I’m innocent kaya. Ha-hahaha! Any comment, Papa Derek?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: