Skip to content

DEREK may bago na ring dyowa, pero ‘SECRET’ daw

August 22, 2012

Hindi totoong  nagkita at nag-date sila ni Ruffa sa London

NAGBAKASYON muli ang aktor na si Derek Ramsay kasama ang kanyang buong pamilya sa Batangas because of a long-weekeend.

Pero bago siya umalis ay nagkaroon kami ng chance na makausap si Derek. Super nag-enjoy si Derek sa ginawa niyang coverage sa London Olympics.

Again, kasama ni Derek ang parents niya na nagpunta sa London.

Tinanong namin si Derek kung nabisita ba niya ang bahay nila sa London, hindi raw siya nakapunta dahil malayo ang tinirhan niyang hotel sa bahay nila.

Pero ang parents  daw niya ang nagpunta sa bahay nila.

Ngaragan daw ang schedule niya sa London kaya natatawa na lang siya sa lumabas na isyu  na nag-date sila doon ni Ruffa Gutierrez. “Yes, nagkita kami ni Ruffa doon pero parang ilang minuto lang ‘yun,” lahad ni Derek.

Sumaya naman ang boses ni Derek nu’ng kumustahin namin ang kanyang lovelife. Isang malutong na “secret” ang sinabi niya sa amin.

Obviously, may bagong nagpapasaya sa buhay ngayon ni Derek.

Pero, nagdesisyon si Derek na itago na sa publiko ang anumang meron siya pagdating sa kanyang buhay pag-ibig.

“Naging masyado akong open before nu’ng sa amin ni Angel (Angelica Panganiban), so, I think it’s better na this time, quiet na muna ako pagdating diyan,” diin niya.

This week nakatakdang makipag-usap ulit si Derek at ang kanyang ama sa kalagayan ng career niya sa TV5.

Doon pa lang daw niya malalaman kung anong projects ang susunod na gagawin niya.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: