Skip to content

DANIEL manang-mana kay ROBIN pagdating sa babae

August 22, 2012

Alagang-alaga si Kathryn Bernardo

ILANG beses ko nang narinig ang mga kuwento na sobrang sikat na raw ng youngstar na si Daniel Padilla, isa sa mga bida ng toprated soap ng ABS-CBN na Princess And I.

The first time na narinig ko ang tungkol sa kanyang “enormous popularity” ay noong mag-show sila sa isang mall sa Recto kung saan ay pinull-out daw ang bata as he sings his first song dahil nagkagulo na raw ang mga tao na umabot daw mula sa first hangga’t fifth floor ng mall.

He was literally whisked out of the venue para makaiwas sa pandemonium. Grabe  ang eksenang ‘yun.

The next time that I heard about this young boy nina Karla Estrada and Rommel Padilla ay ang mga out of town shows nito na sobra raw ang dami ng mga tao at lahat ay gustong makalapit at makapagpakuha sa kanya ng litrato o makamayan man lang. Siyempre, sobrang happy ako dahil anak nga siya ng mga kaibigan namin pero sabi ko, I yet have to see kung gaano katotoo ang chikang ito.

Alam kong sikat ang bagets at sobrang guwapo talaga pero iba pa rin siyempre pag personal mong masaksihan para lalo kang makumbinse, di ba?

The time came for me to witness kung gaaano na ba talaga kalaki ang pangalan ng love naming bagets. It happened noong “The Princess And Us” concert nila nina Kathryn Bernardo, Khalil Ramos and Sexbomb Dancers sa Zirkoh Morato last Monday.

Considering that it was a Monday (kungsabagay, wala namang pasok kahapon) pero nakakagulat ang dami ng dumating na paying audience.

Dinumog ng mga madadahtung niyang fans ang show, as in wala ka na halos paglagyan ng tao sa sobrang dami.

Nu’ng lumabas si Khalil, hiyawan ang audience.

Then nang lumabas si Kathryn, tilian din ang iba pero nang si Daniel na ang pumagitna sa stage, halos magiba ang Zirkoh sa sobrang lakas ng dagundong.

Hindi na nila pinansin kung ano ang kinakanta nina Kathryn and Daniel, ang mahalaga ay makakuha sila ng picture of their idol together.

Ang maganda lang sa batang ito ay nakakakanta siya, namana niya sa kanyang inang si Karla who used to be a lounge singer and before she became an actress ay naging recording artist muna.

A combination ng mga Padilla na super-bongga ang charisma plus the voice of his mom, it added to his perfection.

Pinasok namin ni Lito “Yanggaw” Alejandria (partner ni Allan K sa Zirkoh) at Ernie Enrile ang mga bata sa dressing room nila at hala, pati kami ay nag-picture taking na rin sa kanila.

As usual, the kids were very warm and accommodating.

We looked for Karla pero wala siya.

“Ayaw po niyang sumama eh,” mabilis na sagot ni Daniel.

Sobrang busy ng magka-loveteam na ito.

Cute na cute silang tingnan together at kitang-kita namin kay Daniel ang itsura ng uncle niyang si Robin Padilla lalo na sa pag-aasikaso sa babae.

Ganyan din si Robin before, magalang sa girls, na akala mo naman ay binatang-binata na itong si Daniel kung alalayan si Kathryn. Ang cute nilang tingnan, mukhang hottie rin itong si Daniel kasi. Ha-hahaha!

Now it can be told, certified young male superstar na talaga si Daniel Padilla.

Bibihira na kaming makatunghay na ganito kainit na pagtanggap ng fans sa isang artista – and his are moneyed fans karamihan, ha.

Solid talaga. The last time na nakatunghay kami sa isang concert na ganito karaming fans na walang-humpay sa katitili was during Sam Milby’s first concert na ginanap incidentally sa Metrobar pa noon.

Matagal-tagal din bago nasundan, ha.

And this Daniel Padilla is phenomenal.

Iba ang popularity niya.

Maalagaan lang ito nang mabuti ng Star Magic (huwag lang masyadong makahon), aalagwa nang husto ang batang ito, marami itong patutumbahing malalaking pangalan sa showbiz.

Bata pa pero hanep ang lakas ng dating.

At sweet-looking kahit very Padilla ang machismo. Sobrang lakas ng sex appeal.

And take note, mukhang in love nga ang binatilyong ito kay Kathryn.

Huwag lang magaya sana sa mga tiyuhin niyang mga babaero. Ha-hahaha!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: