Skip to content

NANAY ni SARAH sobra-sobra ang pangmamaliit kay GERALD

August 21, 2012

Walang kahit anong salitang binibitiwan si Gerald Anderson laban sa mga ginagawang pagkontra ng ina ni Sarah Geronimo sa kanya, maginoo ang young actor.

Pero ang nagdedepensa sa kanya ay ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Sabi ng isang malapit kay Gerald na ayaw nang magpabanggit ng pangalan dahil regular din nitong nakikita si Mommy Divine, “Sobra naman ang mommy ni Sarah kung makakontra kay Gerald, para namang prinsesa ang anak niya na pinag-aagawan ng mga gustong mapabilang sa kaharian nila!

“Ano ba naman ang akala niya sa mga taong nakikipaglapit sa anak niya, puro user na lang?

Kung nagkaroon ng hindi magandang experience nu’n si Sarah sa iba, huwag naman sana nilang itulad du’n si Gerald!” inis na sabi ng aming kausap.Pakiramdam ng mga tagahanga-tagasuporta ni Gerald ay masyado na siyang minemenos ng ina ni Sarah, samantalang wala namang masamang hangad ang young actor sa dalaga kundi ang maging masaya sila ng dalaga, ano raw ba ang klase ng lalaking gusto ng pamilya ng singer-actress para sa kanya?

Sabi nga, ina ang unang-unang magmamalasakit sa kanyang anak, hindi lang siguro natin ‘yun nakikita dahil sumosobra na ang ipinakikitang pagkontra ni Mommy Divine kay Gerald.

Isang impormante ang nagpaalala sa amin, “Nu’ng panahong si Rayver ang nakikipag-close kay Sarah, walang ipinagkaiba ang sitwasyon sa mga ginagawa ngayon ng mommy ni Sarah kay Gerald.

“Kahit kanino siguro, e, forever na silang magiging ganyan, unless ang manligaw kay Sarah, e, isang lalaking hindi nila kayang maliitin.

‘Yung sobra-sobra talaga ang yaman at laki ng pangalan sa lipunan,” nagmamaasim na komento ng aming source.
Mismo! Korek!

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: