Skip to content

BEA nakipaghalikan kay RONALDO VALDEZ, muntik atakihin sa puso

August 20, 2012

NAKAKAGULAT ang pagiging mapangahas ni Bea Alonzo sa pelikulang “The Mistress” kasama si John Lloyd Cruz na idinirek ni Olive Lamasan under Star Cinema, sobrang daring kasi ngayon ng dalaga.

Sa trailer pa lang ng pelikula ay ipinakita nang may kissing scene sila ng veteran actor na si Ronaldo Valdez na siyang gumaganap na lover niya.

Bukod pa ‘yan sa mga halikan at bed scene nila ni Lloydie.

“Nakakatuwa kasi ang layo na ng narating nu’ng relasyon namin bilang magkatrabaho.

Isang dekada na,” panimula ng aktres.

“Honestly, bawat project ay iniisip namin baka last na, kagaya ng ‘One More Chance’ at ‘Miss You Like Crazy,’ pero hindi.

Kaya sobra po talaga ang pasasalamat namin sa mga naniniwala at sumusuporta sa amin sa loob ng 10 taon.“Hanggang ngayon, napapatulala pa rin ako kung pano niya dini-deliver ang roles niya, he’s such a good actor.

Everytime na magkatrabaho kami ni Lloydi parang may sense of familiarity ka yet it’s always refreshing kasi palagi siyang may binibigay na bago, ‘yung talagang mapapasabi ka ng ‘uy bago yun ah,” dagdag ni Bea.

Sa 10 taon nilang samahan ni John Lloyd at sa isang dekada rin niya sa Star Cinema, ang “The Mistress” na raw ang pinakamatapang na proyektong nagawa ni Bea bilang aktres.

“Seriously, kinakabahan talaga ako hanggang ngayon.

Nagdalawang isip ako noong una kung kaya ko siyang gawin kasi nasanay na ako sa comfort zone ko na ako ‘yung regular na mabait na character.

By far, ito pinakamatapang na movie ko dahil marami akong ginawa dito na never ko pang nagawa.

Mahirap siya, feeling ko aatakehin ako sa puso kada eksena,” natatawang kuwento ni Bea.

Dahil sa maseselang eksena na first time na ginawa ni Bea, laking pasalamat niya sa suporta sa kanya ng kanyang leading man.

“Jackpot talaga ako na si John Lloyd ang kasama ko rito.

He’s very generous when it comes to giving emotions and giving me reactions sa scenes ko kahit hindi niya shot.

He’s very supportive.

“Mas lalo akong nagpupursige kasi iniisip ko siya nga, he’s on top right now, halos lahat ng award-giving bodies kinilala na siya, pero hindi siya nagkakampante.

Madadala ka kapag makikita mo kung paano siya nagko-concentrate, nagre-research, at kung gaano kalaki ‘yung dedication na binibigay niya sa trabaho,” pahayag ng aktres.

Ipalalabas na ang “The Mistress” sa Sept. 12, bukod kay Ronaldo Valdez, kasama rin dito sina Hilda Koronel bilang legal wife.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: