Skip to content

Tantanan n’yo na si MOMMY DIVINE!

August 19, 2012

Hindi naman daw masamang tao, mabuting ina lang

KALIWA’T kanan ang negatibong nasusulat sa ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine dahil sa pagiging over-protective niya sa anak lalo na sa mga lalaking gustong manligaw sa dalaga.

Isa rin naman kami sa mga nagsulat na sobrang higpit nga si Mommy Divine, at naniniwala rin kami sa kasabihang, “mother knows best” kaya ito siguro ang ipinaiiral ng kontrobersyal na ina ni Sarah.

Sa rami ng mga nakausap naming hindi pabor sa paghihigpit ni Mommy Divine kay Sarah at kesyo mahirap siyang kausap pagdating sa mga shows ng anak ay may namumukod tanging TV executive kaming nakatsikahan over dinner na super tanggol sa ina ng TV host-singer-actress.

Ayaw nang ipabanggit ng TV executive ang pangalan niya dahil hindi naman daw siya artista, “Bakla ka! Wag na wag mong babanggitin ang name ko!” bungad nito sa amin.“Naikukuwento ko lang ito sa iyo para magkaroon ka rin ng ibang views kay Mommy Divine kasi sa totoo lang sa rami rin naman ng nakatrabaho kong magulang ng mga artistang sumikat na ngayon, e, hindi naman siya mahirap kausap.

“Isa siya sa mga madaling kausap.  Ano kasi siya, firm sa mga gusto niya for Sarah, halimbawa, sa show, pag sinabi niyang ganito lang, ganu’n lang, pero ako, personally, nalalambing ko si Mommy Divine.

Pag ayaw niya, hahagurin ko ang likod at sasabihin ko na para rin sa show at sa anak niya, hayun papayag na.

Alam mo ang magulang, nilalambing ang gusto, kaya ganu’n.

“Pagdating naman sa paghihigpit niya bilang ina ni Sarah, e, may katwiran naman siya roon.

Kasi anak niya ‘yun, siyempre sino bang magulang ang gustong pinakikialaman kung paano niya palakihin ang anak, di ba wala?

“Ikaw, gusto mo bang pakialaman ka kung paano mo palakihin ang anak mo? Di ba ayaw mo rin?” paliwanag sa amin.

Sabi namin, ibang usapan naman kasi kapag lovelife na ang isyu dahil nasa tamang edad na si Sarah at pananaw ng marami ay tama lang na magka-boyfriend na ito bilang inspirasyon.

“Sa lovelife, natural, lahat ng magulang ayaw magkadyowa ang anak kung hindi pa panahon, di ba? Karapatan ni mommy Divine iyon kay Sarah.

“Pero si Sarah, bilang nasa edad na, siya na ‘yun dapat mag-decide at saka iyon ang tanong nga ng lahat, bakit hindi ipaglaban ni Sarah si Gerald (Anderson) o sinuman sa mga nanliligaw o naging boyfriend niya.

“Sa puntong ito, wala akong masasabi kasi noong kasing-edad ko rin si Sarah, maski na pinagbabawalan ako at talagang napapagalitan ako ng magulang ko, talagang gumagawa ako ng paraan para sa boyfriend ko.

Ganu’n naman tayo di ba, matigas ang ulo pagdating sa pakikipagdyowa, pero sa tamang tao siyempre.

Kaya ‘yung sa lovelife, wala akong masasabi kasi si Sarah na ‘yun.

“Lumalabas kasi si mommy Divine ang may diperensiya, e, basta bilang katrabaho ko siya, maayos siyang kausap.

At saka in fairness kay mommy Divine, hindi siya nagkukuwento kung kani-kanino hangga’t hindi mo tinatanong.

Hindi tulad ng ibang nanay, ang ingay-ingay.

“Kaya ikaw (kami), tantanan mo na si mommy Divine, maayos siyang kausap, hayaan mo na ‘yung ibang nagnenega sa kanya,” mahabang sabi sa amin ng ating source.

At ang huling tanong namin kung kumusta ang naging rating ng Sarah G Live noong nag-guest si Gerald na mukhang hindi na mauulit, “Okay naman, ang taas daw, 22% sa ganu’n oras, mataas siya kumpara sa ibang programa.”

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: