Skip to content

GRACE LEE atat na atat nang magpakasal at magbuntis

August 19, 2012

Handang-handa na raw siya Pangulong Noynoy

HINDI naman daw mukhang pera at isang “material girl” si Grace Lee.

Wala raw katotohanan na nakipaghiwalay siya noon kay Pangulong Noynoy Aquino dahil may isang lalaking bigla na lang dumating sa buhay niya mas mayaman at mas bata na handang ibigay ang lahat sa kanya.

Totoong hindi nagkatuluyan sina Grace Lee at P-Noy, pero ayon sa TV host wala raw kinalaman dito ang edad o ang kayamanan, hindi lang daw talaga sila nabigyan ng chance na magkaroon ng seryosong relasyon.

“We dated for a couple of months and, you know, sometimes you date and it works out, and you go to the next level, you become a couple, and you are in an exclusive relationship…we never got there,” ayon kay Grace nang makapanayam siya ng programang Ang Latest sa TV5.Pero ayon sa Korean TV host, naging “very interesting part” naman daw ng kanyang buhay ang pangulo at napakarami raw niyang natutunan sa maikling “pagsasama” nila ni P-Noy.

At hanggang ngayon naman daw ay magkaibigan pa rin sila.

Inamin din ni Grace na wala siyang boyfriend ngayon, pero aniya, handang-handa na raw siyang magkaroon ng seryosong relasyon, “You know, I’ve been ready since I’m 21. Since I’m 21, I wanna get married na and have kids.

That’s, like, my ultimate dream, and I really have been praying na ‘Lord, ipakita mo na Siya sa akin.’” pahayag ni Grace na napapanood na ngayon bilang host sa morning show ng Kapatid network na Good Morning Club.

Well, malay natin, sila pa rin pala ni P-Noy sa huli, hindi ba?

Alam mo naman, minsan mapagbiro rin ang tadhana, di ba?

Showing na ito sa Aug. 29 directed by Topel Lee.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: