Skip to content

GERALD, SARAH nagkukulong sa kotse?

May 12, 2012

Halos araw-araw daw dumadalaw sa bahay, sey ng mga kapitbahay

NAGTATAKA kami kung bakit hindi maamin-amin ni Sarah Geronimo ang tunay na relasyon nila ni Gerald Anderson gayung halos araw-araw ay nasa bahay daw nila ang aktor.

Kuwento mismo ng mga kapitbahay nina Sarah sa St. Michael’s St., Saint Charbel Village, Mindanao Avenue, Q.C., ay parati nilang nakikita roon ang malaking sasakyan ni Gerald, kung minsan pa nga raw ay nasa loob ng sasakyan ng aktor ang TV host-actress-singer.

Hindi kasi gaanong busy ngayon si Gerald dahil sa Hunyo pa ang shooting nila ni Sarah para sa susunod nilang project kaya marahil ay marami siyang oras para dumalaw sa babaeng isinisigaw ng kanyang puso (cheesy?!).

“Hindi po pwedeng itanggi ni Sarah o ni Gerald na nagkikita sila kasi lagi kaming nakaabang at pinipiktyuran pa nga namin sila, eh.Bagay na bagay po sila, nakakatuwa po sila talaga,” say ng isang nakausap namin na nakakakita sa dalawa.

At dahil laging naroon si Gerald sa bahay nina Sarah ay iisa lang ang ibig sabihin, botong-boto at tanggap na nina daddy Delfin at mommy Divine ang aktor para sa kanilang anak dahil kung hindi, e, tiyak na kahit sa gate man lang ng bahay nila ay hindi makakatuntong ang aktor.

Kaya para sa amin, walang masama kung aminin na nina Gege at Sasa ang relasyon nila.

In fairness, bagay sila at nagkakatulungan naman sila sa kanilang respective careers at higit sa lahat, gusto sila ng fans kaya siguro pabor na rin ang pamilya ng dalaga, tama ba bossing Ervin?

(Tomohhh! – Ed)

About these ads
2 Comments leave one →
  1. kass permalink
    May 12, 2012 2:52 pm

    more power to this two lovely couple

  2. melanie permalink
    May 12, 2012 10:39 pm

    God bless Sarah and Gerald <# We wish you
    all the best and may God enlighten those who want to ruin your "special friendship"

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,199 other followers

%d bloggers like this: