Skip to content

Bakit ako atat na atat sa Vizconde Massacre?

Mayo 18, 2010

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

NGAYONG natapos na ang mala-telenobela na eleksyon sa bansa at ang bida ay malapit nang maluklok, sana’y pansinin naman ng publiko ang isang mas kapana-panabik na nobela: ang Vizconde Massacre, Part II. Kaso, ang bida o mga bida sa Vizconde Massacre ay ang mga nakakulong at ang kontrabida ay yung mga taong nagpakulong sa kanila. May mga testigo at ebidensiya na lumabas kamakailan lang na nagpapatunay na walang mga kasalanan ang mga nakakulong ngayon. Dalawang taong tetestigo para kina Hubert Webb at kanyang mga kasamahang convicts na ang aking nakausap. Ang dalawa ay sina John Herra, dating ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na naging bodyguard ni Jessica Alfaro, ang principal witness, at Tony Calvento, batikang kolumnista. Nakausap ko sina Herra at Calvento one after the other sa iba’t ibang lugar at sinabi nilang tetestigo sila kapag binuksang muli ang kaso ng Supreme Court. Maraming sinabi sa akin sina Herra at Calvento na dapat ay sa korte na lang marinig at hindi dito sa “Target ni Tulfo” dahil ayaw kong maunahan ang korte. May isang napakahalagang ebidensiya na di binigyang importansiya ni Paranaque Judge Amelita Tolentino, na siyang nagdinig sa tinaguriang “trial of the century.” Ang ebidensiyang tinutukoy ko ay ang note verbale ng Estados Unidos na nagsasabing nasa America si Hubert nang maganap ang karumal-dumal na krimen. Nakasaad pa sa note verbale ang mga petsa ng pagdating ni Hubert sa America at ang pag-alis nito. Ano ang note verbale? Ito ay diplomatic note na sumasagot sa katanungan ng isang bansa sa kapwa bansa ito. Binale-wala ni Tolentino ang note verbale, at sinabing dapat ay mismong ang noon ay State Secretary Madeleine Albright ang tumestigo sa kanyang korte upang patunayan ang katotohanan ng note verbale. Hello! Bakit naman pupunta si Albright sa bansa para lang tumestigo? Ano siya, bali? Sa ganoong katuwiran ni Judge Tolentino makikita na wala siyang katinuan sa pag-iisip o napakabobo niya! Ibig kong banggitin muli rito na isa sa mga tumestigo para kay Hubert ay si Supreme Court Justice Antonio Carpio na noon ay chief legal counsel ng Ramos administration. Sinabi ni Carpio na si Webb ay nasa America noong June 30, 1991 nang maganap ang Vizconde Massacre. Pero binale-wala rin ni Tolentino ang kanyang testimonya.

* * *

Marahil ay dahil kay Carpio, pinahintulutan ng Korte Suprema na kunan ng semen specimen si Hubert at ikompara ito sa semen specimen na nakuha kay Carmela Vizconde na ginahasa muna bago pinatay. During the trial of the case, Hubert asked Tolentino’s court to have his semen examined and matched that found on Carmela for DNA testing. Hindi rin pinakinggan ni Tolentino ang request ni Webb. Nawawala ngayon ang semen specimen na nakuha kay Carmela. Hindi raw isinauli ni Tolentino sa NBI crime laboratory na nagpahiram sa kanyang korte. Ngayon, ito ang tanong: Kung guilty si Hubert, iboboluntaryo ba niya ang kanyang semilya upang maihambing doon sa nakuha kay Carmela para sa DNA test? Kung may sentido komon si Tolentino, doon pa lang ay ipinawalang-sala na niya si Hubert. I cannot speak for the Hubert’s fellow convicts dahil wala akong personal knowledge ng kanilang whereabouts noong maganap ang Vizconde Massacre. Pumunta ako sa America at nag-check at nag-interview ng ilang tao na nagpatunay na naroon si Hubert noong mga panahong yun.

* * *

Bakit parang atat na atat akong mapawalang-sala si Hubert Webb? Dahil ako po ay isang taong di pinalalampas ang isang injustice o pang-aapi na nangyayari sa isang kasong meron akonng personal knowledge. Yun ngang pambubogbog sa isang di kilalang babae sa kalye na nadatnan ko ay di ko pinalampas, yan pa kayang napakalaking kaso na personal akong nadamay? Another reason—and the more important one—is the journalist’s upholding of the truth. Alam ko ang katotohanan sa Vizconde Massacre, at dahil ako’y isang mamamahayag hindi ako puwedeng magsawalang-kibo na lamang.

Bandera, Philippine News, 051810

Advertisements
16 mga puna leave one →
  1. Mayo 27, 2010 12:24 umaga

    pls help me….pinasok ako mga pulis sa bahay kinuha baril ko tapus inipit ako na pumayag na wag kna bawiin baril kundi ay kakasuhan nla ako may papel po ang baril ko kinumpiska pero hindi ni log di rin nirecibuhan tapus lumapit ako sa mayor nun kausapin cla ni mayor binenta daw baril ko at pwedi ko mabawi kun tutubusin ko sa halagang 25 thousand ang sasama nila tapus ngaun di pako makauwi ng bahay dahil pinagbantaan ako nun magrklamu ako sa mayor tulungan nyo ko wala ko relatives dto at liblib lugar nato pwedi nla ako dukutin kaya di nalang muna ako umuuwi bahay kaso natatakot ako baka idamay pa nila asawat anak ko pls lang po sana kun pwedi nyo ko ma2lungan eto po cell number ko 09236311199 or 09159675555 or email me @ perrybordallo@yahoo.com

  2. Hunyo 1, 2010 8:27 hapon

    kuya mon tulfo naniniwala pa ako sa kainusentihan ni hubert webb at sa iba pa pong convict sa kaso na yan nagtataka nga po ako kung paano naalala nung jessica alfaro na yun ang lahat ng nangyari nun june 29 1991 sa higit na apat na taon grabe nmn po yun ADIK din nmn ung jessica na un eh!!!!peo i dont want to judge her anymore i was 16 yr old kuya mon now…!!!iwas 11 or 12yo ng makwento sa akin ng lola ko yan kaso bta pa po ako nung mga tym na trial pa nila but i know the story ang di ko lng po maintindihan eh di pinayagan ng judge ung mga evidence ng akusado si hubert webb i feel ko na bka pera ang labanan nun tym na yun ska dapat payagan ng judge un my opinion ko lng po un kuya ewan ko lng po kung totoo bka binayaran ung judge na un para hindi payagan ang mga evidence na un at ang guzto ung madeleine albright na un…!!!cge po un lng po ang aking masasabi tnx…

  3. Hunyo 1, 2010 8:30 hapon

    and kuya wag na lng po nyo ipamalita sa lahat ok po its only a comment i just want to share it to you dhil alm ko you believe on hubert webb me too khit bta pa po ako salamat po uli god bless

  4. justiceismoneyblind permalink
    Disyembre 14, 2010 12:49 hapon

    this very moment… a group of rapist was being release by the order of the Supreme Court headed by (money blinded)Justice Corona. For the record, Corona was appointed by the former President Arroyo, and undergo a background check by the Aquino Government. His credibility was doubted because of his track record. Then his first action was VERY POOR – The deciscion for the Vizconde Massacre. I used to study about this case and though I am not a Psychologist or Criminology, there are some factors that was clearly here. First, Jessica Alfaro was called an “ADIK” and was questioned because “she was under the influence of drugs” that time. Regardless of whether you are under the influence of drugs or not, if you are present on the scene during the time the crime was being committed, you can remember it clearly because of fear of being caught and because she is a “WOMAN”. Questions popped: Why did Viong burned the other evidences? Why did the semen sample from the cadaver went missing? At one point, the Webb’s pleaded the court to let them do the DNA testing then out of the blue, the semen sample from the cadaver missing? Coincidence? Now, the father and husband of the victims are in deep pain after years of waiting for JUSTICE, the accused were released.
    A mother and her two daughters were killed by a drug influenced gang, all of the evidences was burned by the police who is investigating the case maybe hoping to get a green pasture out of his actions of helping Webb and his gang. Webb’s gang was captured and put to trial. Pleading “NOT GUILTY” a star witness arised, she told before the court what she knew because “SHE WAS THERE!”. Then after years of waiting. Corona, released the accused.
    This is one proof that Justice in our country is very very disappointing. Our justice system is very INCOMPETENT. That the word “JUSTICE” is only for those who have money thus I came out of this equations:
    CORRUPT JUSTICE SYSTEM+ MONEY = ACQUITTAL
    POWER + MONEY + CORRUPT JUSTICE SYSTEM = FAILURE (for the poor) and SUCCESS (for the rich)
    RAPIST+MONEY+CORRUPT JUSTICE SYSTEM = SUCCESS and ACQUITTAL
    For those of you who helped free this GANG OF PERVERTS AND ADDICTS. Try to search your souls and conscience. I know that you do have your own family, your wife, your daughter and I know you love them so much. Hope and pray that they won’t suffer the same fate as with the Vizcondes.
    Ang Panginoon Diyos na lang ang gaganti sa inyo at sa mga taong pinalaya nyo na nagkasala.

    • olive permalink
      Disyembre 15, 2010 10:08 umaga

      Justiceismoney blind: obviously you did not read details of supreme court decision, Corona voted guilty but was outnumbered. Jessica was not credible because of glaring inconsistencies in her testimony, not because she was an addict.

      • tattler permalink
        Disyembre 15, 2010 11:44 umaga

        Enough said Ms. Olive! Obviously puro hearsay ang mga pinagsasasabi nitong si justiceismoneyblind. How can you say na sa power at money na base ang decision ng SC if 15 years nakakulong si Webb? Kung kaya nila i-manipulate ang decision then bakit kailangan umabot ng 15 years? Bakit hindi 5 years lang o 10 years?

    • may permalink
      Disyembre 16, 2010 5:30 hapon

      Where are you getting your facts, justice money blind? before forming my own opinion on this subject, I have tried to researched/read every article I could find. Jessica was not credible because she gave 2 inconsistent affidavits. Webb did asked for a semen testing/DNA years before but they were denied because the court thought the semen found might not be well preserve. The medico legal that time gave an affidavit that the semen sample was well preserve but still the court denied it. So in this case, dont go thinking it was Webb who masterminded the theft of the semen sample at this time. Could it be it was misplaced to forever conceal that Hubert was not the killer? and for the ignorant people who put him in jail for 15 years forever hide the fact of what they did? It was a simple case if the judge formed his opinon based on sound judgement. But I think the people were clamoring for justice during the time and the court had to given in to pressure. The only thing I cant explain is what is biong’s involvement in this matter? Why did he burned the bedsheet and is that true?

    • ferdie ballesteros permalink
      Pebrero 22, 2011 6:13 hapon

      gusto ko lang mag react sa post na ito..well sana nag tagalog ka na lang para mas nasabi mo ng maayos ung gusto mong sabihin…ung sinabi mo na pinagaralan mo ang kasong ito sa palagay ko hindi mo natutunan ang mga importanteng mga bagay bagay..una ung pagka adik ni alfaro sya naman ang nagsabi na adik sya and un na nga dapat sa criminal law u should be a credible witness irregardless if addict ka or what but the statement she gave was really unbelievable..isa lang cite ko sa sinabi nya”gusto daw barilin ni pyke fernandez ung transformer sa tapat ng bahay ng mga vizconde para mag blackout..but according to meralco executives that time wala pang transformer doon…so what have you???how can ou expect us to believe that kind of witness dont tell me na epexto ng droga un kaya nagkamali sya so how can she be a credible witness after all?ung DNA sample akala ko ba pinagaralan mo mabuti ito..noon pa gusto na ni HUbert ang DNA sample si tolentino lang ang hindi pumayag so hindi “out of the blue”ang request ng defence na iyun kung meron man nakinabang sa pagkawala ng semen ito ay ang prosecution…and finally in fairness sa SC Chief Justice hindi sya ang nagpawalng sala kundi ang Majority ng mga Magistrate ang bumoto to reverse the flwaed decision ni Tolentino n ng CA…on the contrary si SC Corona voted to upheld the guilty verdict!!!!sana naman bago ka mag post alamin mo muna ang mga dapat alamin para di ka magmukhang tanga!!!

  5. raul permalink
    Disyembre 15, 2010 11:59 umaga

    so hubert was in the US from Mar 1991 til Oct 1992. the US tourist visa is valid only for 6 months max. so, in effect hubert overstayed in the US. the US immigration is very strict about overstaying tourists. so how did he manage to get away with this?

    • Vito Genovese permalink
      Enero 13, 2011 9:54 umaga

      Raul: I believe back then, the US was not yet that strict about foreigners overstaying in their countries. It did have repercussions, but they were not that heavy.

      Going back to the the topic. Commonsensically, a guilty individual won’t be willing to subject himself to any situation that may incriminate him in any way. For this case, Webb is willing to solidify his alibi for innocence by putting himself under a lie detector and DNA test. And last time I checked, these are fool-proof tests that can’t be easily doctored.

    • ferdie ballesteros permalink
      Pebrero 22, 2011 6:23 hapon

      @Raul…contrary to what you’ve said na ang maximum visa given to a tourist is 6months mali ka dyan..yan ang unang length of stay bibigay sa ito sa port of entry then you can apply for an extension fo another 6 months bago matapos un…and hindi totoong strict ang us sa mga overstaying tourist hindi nila priority yun not unless you comitted a felony..kaya nga dami nag ooverstay sa mga pinoy sa amerika..kaya lang nahuhuli dahil sa mga kapwa pinoy na meron lahing makapili na nagsusumbong!!!!get your fact straight Raul!!!

  6. Jheng permalink
    Disyembre 15, 2010 8:43 hapon

    raul you are correct.. US immigration is very strict on the overstayed tourists.. but that was not the issue here.. the issue here was did hubert is here in the philippines or he was in the US when the crime happened? the verbale presented before in the lower court was the strongest evidence even there is someone claiming that she/he seen the crime. pwedeng magsinungaling ang mga taong magwiwitness but the documents cannot lie . this is the reason why hubert and co. acquited in the case. i also symphatized with mr. lauro vzconde. kaso hindi ko nagustuhan ang sinabi nya kanina sa news (TV Patrol) kasi he is still believing na sila hubert and co. ang gumawa ng krimen. sabagay hindi ko maiaalis sa kanya pero isipin nya na hindi rin makatarungan na magbintang ng mga tao para lang may maituro kang kriminal sa nangyari sa pamilya mo. 15 years ang inagawa kila hubert at co. kay mr lauro inagaw ang pamilya nya.. talunan silang pareho kasi kahit acquitted pa rin si hubert there were lots of people believing na sya pa rin ang gumawa.. well,,, sana lang mahanap na ang totoong gumawa ng krimen nito… how i wish na sana magparamdam sila carmela kung sino talaga ang gumawa ng krimen sa kanila…i do believe that they’re souls were not in peace pa rin…

  7. noname permalink
    Disyembre 23, 2010 7:59 hapon

    as i read some comments nakakatuwa… but after reading this link my sympathy goes to Mr. Lauro V. i try to balance both party. Lets assume that J. Alfaro is a creation. And lets assume that H. Webb was frame up… just try to read this article…

    http://sc.judiciary.gov.ph/jurisprudence/2010/december2010/176389_villarama.htm

    for this –
    (d) Philippine passport

    The passport of accused-appellant Webb produced in evidence, and the inscriptions appearing thereon, also offer little support of Webb’s alibi. Be it noted that what appears on record is only the photocopy of the pages of Webb’s passport. The Court therefore can only rely on the appreciation of the trial court as regards the authenticity of the passport and the marks appearing thereon, as it is the trial court that had the exclusive opportunity to view at first hand the original of the document, and determine for itself whether the same is entitled to any weight in evidence.

    Why all hard copy evidence presented by webbs cam are all photocopy?

  8. ferdie ballesteros permalink
    Pebrero 22, 2011 6:29 hapon

    @no name…your wrong very wrong on what you said na puro photocopy ang presented evidences ng defence…look at the page Justice for Hubert Webb…posted there are the events during the preliminary hearing you can see the private prosecutors led by Renato Cayetano and PAO chief Persida Acosta examining the passport of Hubert Webb the original(mind you) not photocopies as what you claim it to be!!!what they submitted was the photocopies of said documents…natural hindi ibibgay yun ng defence ano sila hilo!!!FYI lang noname

Trackbacks

  1. revisiting hubert webb
  2. revisiting hubert webb | StuartSantiago.com

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: