Skip to content

OSANG kay ONYOK: Buti pa nga pinatay mo na lang ako o sinagasaan ng pison!

April 10, 2013

rosanna rocesNi Ervin Santiago

KINUMPIRMA ni Rosanna Roces na babae ang dahilan kung bakit sila nag-away ng kanyang anak na si Onyok.

Ang tinutukoy ng dating sexy actress ay ang girlfriend ng binata.

Naging emosyonal si Osang sa interview sa kanya ni Nanay Cristy Fermin para sa Ang Latest Updated ng TV5 kamaikailan.

Ayon sa aktres, “Ang isyu, hindi naman sa amin, e.

“Ang isyu, sa isang babae na ewan ko kung saan niya pinulot.

Kasi ako, bawal yun, e—yung ipagpalit ang kadugo,” sey ni Osang.

Tanong pa ni Nanay Cristy kay Osang, bago dumating yung nasuntok ka ni Onyok at nasiko mo naman siya, hindi pupuwedeng biglaan ito, may pinagdaanan ito?

“Nandito si Diding (personal assistant), naglilinis kami…nakita ko sa tablet ni Diding si Budoy (apo ni Rosanna kay Grace), shooting, shooting…“Sabi ko, ‘Nak, paano ko malalagay picture dito ni Budoy?’ Ang sagot sa akin, ‘Ay, naku, ewan ko ba?’ Paangil pa yung sagot niya. ‘A, kasi ako…’ gumanun.

“Ay, sabi ko… pinalo ko na ng tablet!

Tapos biglang nagwawala na ako, sabi, ‘Ma, may ibang tao.

’ ‘Ha, ibang tao si Diding? Ibang tao, e, parang nanay mo na rin ‘yan!’

“E, di ang naalala, ang syota niya.

Hindi alam nung alalay ko na nandiyan yung babae, nasa kuwarto pala.

At nu’ng pagmumura ko ngayon, siyempre, ‘Walanghiya ka, nang dahil lang sa babae na ‘yan, dahil lang sa babae na ‘yan…’ nasapak ko!

“Pangalawa na ‘tong nangyari. Dati, three years ago, dahil din sa babae.

So, ang ayoko nga sa kanya, may trabaho, pero ang ina, hindi man lang mailibre ng sago, alam mo yun?

Ang anak, hindi masustentuhan,” dire-diretsong kuwento ni Osang sa Ang Latest.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Masyado na nila akong dini-disrespect.

Ang hiling ko lang sa kanila, gawin ninyo lahat, wala akong pakialam, wag ninyo lang akong sagutin nang pabalang.

Yun lang, ha, pero sinaktan ka pa?”
Sumunod na tanong ni Nanay Cristy, “Dalawang bibig ang nagsasalita ngayon.

Isang nagsasabing bastos si Onyok—nanay niya sinapak ni Onyok, sinaktan niya.

Yung isang bibig ay nagtatanong, bakit isang nanay sinapak ng anak? Anong kontra mo du’n?

“Inano ko na yung buhay ko, dini-dedicate ko na lang sa kanila.

Pati ngayon, pati sarili ko nang kapakanan, pati pakikipagrelasyon, wala na,” tugon ni Rosanna.

Sa tanong kung may pag-asa pa silang magkaayos na mag-ina? “Matagal ‘to, matagal ‘to, kasi hindi ordinary ‘to, e.

Buti pa nga pinatay mo na lang ako, o sana sinagasaaan ako ng pison, kinidlatan ako o mahulog ako… basta.”

About these ads
2 Comments leave one →
  1. April 10, 2013 6:55 pm

    ayan na roces!

  2. April 12, 2013 4:14 am

    sana umayos na ang buhay ni osang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,200 other followers

%d bloggers like this: