Skip to content

BB GANDANGHARI pumayag ‘MASOLO’ ni ZOREN

June 2, 2012

Ngayong alas onse y medya nang tanghali na matutunghayan ang unang-unang engkuwentro nina Zoren Legaspi at BB Gandanghari pagkatapos nang mahigit na isang dekada.

Ngayon lang sila nagkaharap mula nang biruin sila ng tadhana.

Naghiwalay sina Rustom Padilla at Carmina Villaroel, nagsama at nagkaanak naman sina Carmina at Zoren, hanggang sa maglantad na ng kanyang tunay na kasarian si Rustom bilang si BB Gandanghari.

Ilang ulit nang sinasabi ni Zoren na gusto na niyang matuldukan ang kung anumang pag-iiwasan nila ni BB Gandanghari, gusto na niyang maging kumportable sila sa isa’t isa, nakahanda na ang kanyang sarili sa pagtatagpo nila ng dating mister ng ina ng kanyang mga anak.

“Ang unang tanong sigurong ibabato ko sa kanya, e, kung meron ba siyang galit sa akin? Natural, di ba? Hindi kaya siya nagalit nu’ng malaman niya na kami na ni Carmina?

“Gusto kong malaman kung ano ang naging reaction niya noon. Sa akin kasi, ‘yung kung anumang namagitan sa kanila ni Carmina, thing of the past na ‘yun para sa akin.

Saka wala pa naman ako sa buhay ni Mina.

“Palagi kong iniisip, ano kaya ang magiging reaction naming pareho kapag nagkita kami?

Ang dami-daming tanong na naglalaro sa utak ko,” kuwento sa amin ni Zoren.

At nu’ng Miyerkules nga nang hapon ay natuloy na ang kanilang pagkikita pagkatapos nang mahigit na isang dekada.

Nandu’n ang pagkakailangan, pero hindi naman sila pinabayaan ng production staff, ginawa nila ang lahat para dumaloy nang maayos ang kanilang interbyuhan.

Ang kabuuan ng nasabing panayam ay mapapanood na ngayong alas onse y medya nang tanghali sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5.

Tututukan namin ‘yun, hindi kami bibitiw sa kanilang interbyuhan, paminsan-minsan lang nagaganap ang ganu’n kaya hindi na namin pakakawalan.

Sama-sama nating panoorin ang unang paghaharap nina Zoren Legaspi at Rustom Padilla-BB Gandanghari.

About these ads
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,186 other followers

%d bloggers like this: