Skip to content

SHALANI natatakot makipagbati kay WILLIE

May 26, 2012

Magkaaway pa rin daw hanggang ngayon kaya dedmahan ang drama

Hindi pa rin pala nagkakaayos sina Shalani Soledad at Willie Revillame. Iwas na iwas pa rin kasi ang konsehala kapag ang TV host-comedian na ang pinag-uusapan.

Sa nakaraang presscon ng Game N Go, ang bagong musical variety show ng TV5 kung saan isa nga sa co-hosts si Shalani, pigil na pigil pa rin itong magsalita about Willie na nakasama niya noon sa Wil Time Bigtime.

Tsinugi kasi siya sa nasabing show pagkatapos niyang magpakasal sa kongresistang si  Roman Romulo.

Natanong kasi kay Shalani kung masama pa rin ba ang loob niya kay Willie dahil balitang ito nga raw ang nagdesisyon na tanggalin na siya sa Wil Time Bigtime, pero hindi niya ito masagot ng diretso.
“Of course, there are some things that happened na hindi mo naman din
inaasahan, na hindi mo rin naman gusto. But then, you also have to move on. Kasi, that’s how life goes.

“So, you just try to accept changes in our lives and we always look forward and always hope for the best,” pahayag ni Shalani.

Hindi pa raw sila nagkikita at nagkakausap ni Willie kaya wala raw siyang masasabi tungkol sa TV host.

Sa tanong naman kung handa ba siyang makipag-ayos kay Willie, ito lang ang naging sagot ng konsehala, “A, wala naman.

Wala naman akong ibang masasabi sa Wil Time Bigtime. They have been my family also. So, I have nothing, but grateful ako sa kanila.

“Dahil kung hindi rin naman sa kanila, hindi rin naman ako mapupunta sa TV5 at hindi rin ako mapupunta sa television,” hirit pa ni Shalani na nagdenay na siya’y nagdadalantao na.

About these ads
No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,186 other followers

%d bloggers like this: