Skip to content

DANIEL PADILLA maangas, playboy, bolero, mayabang?

May 23, 2012

Ipinagtanggol ni Kathryn Bernardo ang isa sa mga leading man niya sa seryeng Princess And I ng ABS na si Daniel Padilla sa mga taong nagsasabing mayabang at maangas daw ang young actor.

May mga nagsasabi kasi na masyado raw bilib sa kanyang sarili si Daniel, at gaya-gaya lang naman daw ito sa acting ng kanyang tiyuhin na si Robin Padilla.

Wala raw itong sariling identity, dahil pati raw ang pagsasalita ni Binoe ay ginagawa niya.
Bukod dito, inaakusahan din ang bagets na kesyo bolero at playboy.

Pagtatanggol naman ni Kathryn, “Si-guro ‘yung pagiging Padilla lang niya ang nakikita ng mga tao.

Pero kapag nakilala n’yo po siya in person, kung ano talaga ‘yung character niya, ibang-iba sa akala n’yong mayabang, maangas na playboy.”

Tungkol naman sa sinabi ni Daniel na pagkatapos daw ng Princess And I ay liligawan na siya ng binata, “I think dapat siyang manligaw ‘pag legal age na. Ako naman open sa manliligaw pero bata pa eh, enjoy muna,” pahayag ng dalaga.

Pahabol pa ni Kathryn, “Siya siguro kino-consider niya ako as a very special friend, napi-feel ko naman very caring siya, gentleman.

Siyempre ‘pag babae ganu’n, napa-flatter ako kasi may iba na nagki-care sa akin na tao besides sa family ko at friends ko ‘di ba?”

May pressure ba siyang napi-feel mula sa mga fans nila ni Daniel na kailangang totohanin nila ang kanilang pagiging magka-loveteam, “Hindi naman napi-pressure kasi kilala ko naman si DJ, kino-consider ko siya na best friend kong lalaki.

Hindi ako napi-pressure na kailangan kami ang magkatuluyan. Basta ang importante ‘yung ngayon, ‘yung present at hindi ‘yung future.”

About these ads
4 Comments leave one →
  1. June 9, 2012 1:46 pm

    mahal ko ang bagets na ito!

  2. July 30, 2012 4:32 pm

    Padilla ata yan,,, Kanino pa ba magmamana di sa tiyuhing hambog.

  3. FRANCES permalink
    September 8, 2012 2:01 pm

    TAMA SI KATHRYN :)

  4. leunam permalink
    September 26, 2012 2:12 pm

    Masyadong maangas at maporma baka mamaya niyan eh, magladlad din siya katulad ni Rustom

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,081 other followers

%d bloggers like this: