Skip to content

Sharon Cuneta lalabanan si Vicky Morales

January 27, 2012

Speaking of February, ang balita sa amin ng isang mapagkakatiwalaang “kapatid” ay aarangkada na si Megastar Sharon Cuneta sa TV5 sa pamamagitan ng Wish Upon A Mega, isang public service program na noon pa gustung-gustong gawin ni Sharon.

The fact is ayon sa aming kausap, matagal na pala itong nai-request ni Mega sa ABS-CBN, pero mukhang dinedma lang siya dahil sa may iba raw priorities ang istasyon pagdating sa mga personalidad na may kunek din sa pulitika.

KahitĀ  kasi hindi isang pulitiko si Mega, the fact na asawa siya ng isang senador na may future pa sa politics, e, hindi raw ito nakaalyado sa ibig linyahin ng network.

Kaya nang magkaroon diumano ng oportunidad ang TV5 ni Mr. Manny Pangilinan na kamag-anak ng asawa ni Sharin, hayun, mas napabilis ang negosasyon para makalipat ang nanay ni KC sa Kapatid network.

May isang nakakalokang analysis nga lang ang kausap namin.

Ayon sa kanya kapatid na Ervin, “That’s a very long way to go pa. Ilang taon pa bago man lang ma-establish ni Mega ang kanyang presence sa naturang programa?

Bago lang ang TV5 at aminado namang third wheel player sila sa larangan ng multi-media business.

Saka ano at kelan nga ba yung huling show ni Mega na masasabing top rater talaga?”

Hmmm…ang gandang emote pero very true at nakaka-challenge di ba, mga kapatid?

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,200 other followers