Skip to content

Galaw ng Numero: 7 at 1 ang mahiwaga

January 27, 2012

Dear David,
ISA akong dalagang ina pero sinisikap kong palakihin at arugain ang aking anak. Mula nang lokohin ako ng boyfriend ko, umiwas na ako sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki.

Namamasukan ako ngayon bilang isang saleslady sa isang  drug store chain.

Bigyan mo ako ng gabay sa pagtatagumpay. Ano ba ang masusuwerte kong taon, buwan  at petsa? Bigyan mo ako ng buwenas na kulay at numero na puwedeng tayaan sa suertres at lotto.

Ipinanganak ako noong Marso 7, 1989.
MARILYN NG MANDAUE CITY

Dear Marilyn,
MADALI kang maimpluwensiyahan ng paligid. Mahina kasi ang naturalesa ng mahiwaga mong No. 7.

Pero, matalas ang iyong imahinasyon pero nahihirapan kang kontrolin ang iyong emosyon.

Kailangang gamitin mo ang iyong talento sa pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagdedesensyo. Hindi ka dapat nagkakasya lamang sa pagtitinda, bagkus ay sikapin mong sumailalim pa sa training o dagdag na pag-aaral pa kahit hindi pormal.

Taglay mo rin ang mahiwagang No. 1 na nagsasabi na likas kang mabait at makakaahon ka sa iyong problema mula sa tulong ng ibang tao.

Isang matalik na kaibigan ang aasiste sa iyo upang makarekober ka! May naghihintay sa iyo na magandang kapalaran sa taong  2014 at 2017 kung saan matutupad ang marami mong pangarap kabilang ang pagkakaroon ng matatag na kinabukasan.

Buwenas ka sa mga buwan ng Marso, Hulyo at Nobyembre lalo na sa mga petsang 3, 8, 11, 17, 23 at 30 partikular kapag natapat sa araw ng

Biyernes at Martes. Kulay berde at dilaw ang buwenas mo. Sa suertres, isama mo sa No. 7 at No. 1 ang No. 9. Sa lotto, pumulot ka sa mga sumusunod: 2-6-10-18-23-27-30-35-40-42.

ASSET tips: 4-8-2/ 1-4-7/ 7-6-1. Wiretips: 6-8-2/ 1-4-6/ 8-2-4. Double digit: 1-6/ 8-2/ 8-2. Luzon guide: 1-7-22-28-34-37-40-42.

VisMin: 2-5-11-18-23-27-34-38-40-42. MegaLotto: 1-11-18-22-28-34-37-40-42.  Grand Lotto: 3-7-11-18-23-26-34-37-40-45-50-54. Four Number: 2-1-5-5/ 8-9-2-1/ 6-4-6-2.

No comments yet

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 2,197 other followers