Skip to content

Bully ka ba o ikaw ang nabu-bully?

September 29, 2011

Ni Bella Cariaso

ISA ka bang biktima ng bullying noong nag-aaral ka pa?  O baka ang isa mong mahal sa buhay ang ngayon ay nakararanas ng pambu-bully habang nasa eskwela?

Isinusulong ngayon sa Kongreso ang panukalang batas na naglalayong magpatupad ng polisiya laban sa pambu-bully sa mga paaralan, kolehiyo at unibersidad sa bansa.

Naipasa na sa committee level ng House of Representatives ang anti-bullying bill samantalang nakabinbin pa rin ang Senate Bill 413 na isinusulong ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sa ilalim ng consolidated bill na House Bill 5248, tinutukoy nito ang bullying na serye ng mga aksyon ng isang menor de edad laban sa kapwa niya menor sa loob ng paaralan.

Inisa-isa rin ng panukala ang mga aksyon na maituturing na pambu-bully, at ang mga ito ay ang sumusunod:
Pananakot;
Stalking;
Pagnanakaw;
Pamamahiya,malisyosong alegasyon, pambibintang na nakakapanira sa integridad;
Paninira ng pag-aari ng isa pang estudyante;
Pananakit sa kapwa mag-aaral na nagreresulta sa pagkasugat may gamit man o walang sandata  kagaya ng pambubugbog, paghampas, pagsuntok, pagsipa, pagbato, pagsapak, panunulak at iba pang kaha-lintupad na bagay;
At pamimilit ng sexual favor, pangingikil, o pagkuha sa mga bagay na pag-aari ng isang estudyante.

Sa ilalim ng panukalang batas, inaatasan ang lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado na magpatupad ng polisiya para matigil ang bullying sa mga eskwelahan kagaya ng mga sumusunod:
Magkaroon ng proseso para masolusyunan ang bullying sa mga paaralan;
Pinapayagan ang mga bata na magsumbong sa mga guro o mga opisyal ng paaralan hinggil sa insidente ng bullying na hindi binabanggit ang kanyang pagkakakilanlan;
Pinapayagan ang mga magulang o guardian ng isang estudante na maghain ng sumbong hinggil sa bullying
Inaatasan ang mga guro o iba pang empleyado ng paaralan na nakakita ng insidente ng bullying na ipaalam kaagad ito sa opisyal ng paaralan;
Inaatasan ang opisyal ng paaralan na imbestigahan ang sumbong hinggil sa bullying.
Gumawa ng kaukulang aksyon para masolusyunan ang naturang bullying na insidente;
Isama ang isyu ng bullying sa alintuntunin para sa mga estudyante;
Ipaalam sa mga magulang ng kapwa biktima at ng gumawa ng bullying ang nangyaring insidente;
Inaatasan ang mga opisyal ng paaralan na gumawa ng listahan ng mga insidente ng bullying at maging bukas ito sa publiko.

Sa ilalim ng panukalang batas mahaharap sa kasong administratibo ang mga opisyal ng paaralan na hindi magpapatupad ng programa laban sa bullying. (Bukas:  Anong kaparusahan ang naghihintay sa mga bully sa paaralan?)

Ed:  May reaksyon ka ba sa artikulo?  I-post lang ang inyong komento sa Facebook account ng Bandera sa Banderainquireronline; http://twitter.com/banderainquirer

About these ads
4 Comments leave one →
  1. jun permalink
    September 29, 2011 2:42 pm

    check this in facebook https://www.facebook.com/photo.php?v=10150304489592957

  2. September 29, 2011 4:57 pm

    Talagang kawawa ang na nabu-bully dahil napasakit isipin mahihirap lng nga ang karamihan sa atin ganon pa ang kanilang ginawa. Mga walang awa talaga.

    Hi! I’m Jimdel Cordova currently using this new live chat software http://www.chatwing.com good use for the good organization can also visit http://www.chat.ph more optimistic than our organization.

  3. May 1, 2012 8:25 am

    ang bully ay daig pa ang pagiging MATAPOBRE..

  4. ana permalink
    July 7, 2012 4:25 pm

    panu kung ang titser mismo ang gumagawa nun? ang pagpuna ba ng katawan, at gingawa sa klase, at pagbitiw ng salita na may kasamang patama sa isang tao ay isa bang pagbubully? kaya ko po nasabi kase yung titser ko ngayon lagi nya akung pinupuna samantalang yung nga klassmate ko binabali-wala nya lang kahit sobrang ingay na nila habang nagtuturo sya ay hindi nya pinapansin, at yung iba kahit naglalaro ng cellphone, habang nagkakalase ay hindi nya pinapansin, at yung iba labas pasok sa room pro ok lang sa kanya, nung 1 time nakita nya ako natawa bigla nya akong sinita agad, at namahiya sya sa klase, sabi nya inabuso ko daw sya matatwag bang abusi yun? kung ikukumpara sa iba kung kaklase? at kahit yung pamamatok nya dinadaan nya lang sa joke pro naisip nya ba na ok lang yun sa akin? kada sinsabihan ako ng buto daw ako, tintawanan ko lang sya at sinasakyan, kala nya napipikon ako sa nga sinsabi nya, ang hindi nya alam pinagtatwanan ko lang sya sa isip ko, mula ng pumasok ako ganun na sya lagi nya ako binabara kapag natatanung ako about sa pinagaaralan namin, kinausap ko na sya sabi nya natutuwa lang daw sya sken, at may time na kapag nasasalita sya sinsabi nya sa nga kaklase ko ayaw daw nya sken ng pabiro, pro lam ko deep in side totoo yun sa kanya, sabi ng nga klassmate ko bayaan na lang daw pro sobra na din kase minsan napaphiya na ako sa nga kaklase ko, anu po gagawin ko… gusto ko po matapos kung course na kinukuha ko. plzz.. help.. thanks godbless..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,200 other followers

%d bloggers like this: