Skip to content

Part 3: Pamamalo sa bata dapat nga ba o hindi?

August 31, 2011

Ni Bella Cariaso

(Huli sa serye)

BAGAMAT suportado ng Department of Social Welfare and Development ang panukalang batas na naglalayong isakrimen ang pagpaparusa sa mga bata, hindi naman lahat ng magulang ay pabor dito.

Sa ginawang pag-uusisa ng Bandera sa ilang mga magulang, may kanya-kanyang dahilan ang mga ito kung bakit sila payag o tutol sa isinusulong na House Bill 4455 o ang Positive and Nonviolent Discipline of Children Act at ng Senate Bill 873 o ang Anti-Corporal Punishment Act of 2010.
“Spare the rod, spoil the child,” ay isang kasabihan na hango mismo sa Bibliya na siyang pinanghahawakan ng 36-anyos na si Tina Pascual, may apat na anak.

Anya, hindi siya naniniwala na  hindi dapat paluin ang mga anak sa sandaling nakagawa ito ng kasalanan.  Ngunit hindi rin anya sa lahat ng pagkakataon ay dapat mong paluin ang iyong anak.

“Sa tingin ko depende iyon sa kasalanan ng bata.  Kung makukuha naman iyon sa pangangaral ay mas mabuti pero kung grabe dapat na siyang paluin.  Pero ang palong nasa lugar at hindi kung saan-saang bahagi ng kanyang katawan,” paliwanag ni Pascual.

Ganito rin ang katwiran ni Marivic Escote, ng Sta. Mesa.  Anya lalong titigas ang ulo ng bata kapag hindi sila papaluin.

“Kung hindi sila papaluin, iisipin nila pwede nilang gawin ang gusto nila. Anong klaseng pagdidisiplina ang gagawin sa bata kung gagawing krimen ang pamamalo?” sabi ni Escote.

Sa isang journalist na tulad ni Lilia Tolentino, 68, ng Quezon City,  may karapatan ang isang magulang na mamalo pero dapat anyang gawin ito sa paraang hindi naabuso ang bata.

Naniniwala naman si Tere Arevalo, 49, ng Bacoor, Cavite, ang panukala ang pinakawalang kwentang batas na magagawa kung saka-sakali dahil palalakihin lamang nito ang mga bata na suwail sa mga magulang.

Ayon naman kay Rolando dela Cruz, 52, ng Tondo, Maynila, at may apat na anak, karapatan ng mga magulang na magdisiplina sa mga anak.

“Kahit pinapalo o pinagsasabihan, basta padama lamang ang pagmamahal at pagkalinga sa kanila,” ayon kay dela Cruz.

Naniniwala naman si Evangeline Villena, 48 ng Makati City at may dalawang anak, na iba ang kalagayan ng Pilipinas kung ikukumpara sa ibang bansa.

“Iba ang kultura sa ibang bansa kaya’t maaaring ang batas na umiiral sa kanila tungkol sa pagdidisiplina sa kanilang mga anak ay maaring hindi epektibo sa atin at the other way around,”

Sa isang banyagang ama na si Danie Halley mula sa New Zealand kung saan ipinaiiral ang anti-corporal punishment, nais niyang maibalik ang pamamalo sa mga anak dahil nakikita niyang hindi ito epektibo ang kasalukuyang batas.

“It had taught them to fight back.  Some children do not respect their parents anymore because this law has given them a pass to fight back,” ani Halley.

Hindi rin pabor si Imelda Escamillas, 46 ng Sampaloc, Maynila at may isang anak sa panukala sa pagsasabing ang pamamalo ay isang uri ng pagdidisiplina pero dapat ay nasa lugar.

“Kung may nagawa siyang hindi tama, dapat talaga siyang pagalitan o kaya ay paluin. Doon, maipakita mo sa kanya na mahal mo siya at ayaw mo siyang malihis sa masamang landas,’ sabi ni Escamillas

Paniwala naman ni Maria Angelica, 20, sa kanyang Twitter account, na nais niyang maaprubahan ang panukalang ito. “Wish kong maaprubahan ito, kasama ang pamamalo sa apo,” ayon kay Angelica.

Maging si Susan Bautista sa kanyang Twitter account ay nagpahayag na hindi siya tutol sa panukala.

“Dapat lang.  Parang ginagawang tradisyon na kasi sa magulang ang mamalo,” ayon kay Bautista.

Sa isang special education teacher naman na si Remie Prescila, may pagdidisiplina sa bata na hindi kakailanganin ang pamamalo.

Anya, marami nang paraan ngayon nang pagdidisiplina na hindi kailangan kurutin, paluin o kahit patayuin sa isang sulok ng mahabang oras ang bata.

Isa anyang disiplina na ipinaiiral sa kanyang dalawang anak ay ang pagdedma sa mga ito.

“Kung nagta-tantrums, hayaan mo siya, i-ignore mo.  The more mo siyang pansinin, the more siyang magwawala.  Hayaan mo dahil mapapagod din siya kaiiyak at kakamaktol,” ayon sa guro.

(Ed: Isa ka ba sa tutol o payag sa pamamalo sa bata? Nais namin itong malaman. I-text ang inyong opinyon sa 09062469969 o 09295466802)

About these ads
5 Comments leave one →
  1. Barbara permalink
    September 19, 2011 1:23 pm

    sabi sa Proverbs 22:15
    ” Likas sa mga bata ang pagiging pilyo,
    ngunit sa pamamagitan ng palo, sila’y matututo.”

    pag pinigil nila ang pagpapalo sa bata ay baka lalong dumami ang mga batang nalululong sa masasamang gawain

  2. hannah demi meneses callanta permalink
    January 31, 2012 5:48 pm

    ANG DIOS MISMO ANG NAGSASABI….PALUIN ANG MGA BATANG HINDI SUMUSUNOD SA KANILANG MGA MAGULANG…

    PROVERBS 22:6
    TRAIN UP A CHILD THAT THE WAY HE SHOULD GO AND WHENEVER HE IS OLD HE WILL NOT DEPART OF IT…

  3. April 13, 2012 8:56 am

    di nyo dapat gawing literal ang biblia….

    sa ngayon, kailangang isasaalang-alang ang kalagayan ng mga bata….
    aminin natin, mali na rin ang desposisyon ng matatanda sa panahon ngayon ukol sa uri ng pagpaparusa.

    ang psyche ng bata ang pinakamahalaga at hindi yung sa tingin nating mahalaga.

    AUTHORITARATIVE not AUTHORITARIAN nor PERMISSIVE!!!

    • ewan permalink
      September 4, 2012 9:46 pm

      bible na po ang nagsabi?? at ang bible ang ang mga words na sinbi lang ni God… dahil ito ay isang magandang balita!!! tama namn talga na disiplinahin ang bata!! at kapag d mo yun ginawa u simply tolerate ung bata?? it means na walang paki ang isang tao o magullang kapag d niya un gina…..

  4. Noy permalink
    July 3, 2012 10:47 pm

    SIGURU NAMAN SA ISANG MAGULANG NA MAY KATINUAN SA PAG IISIP NA ALAM NIYA ANG LIMITASYON NG KANYANG PAG KASTIGO SA KANYANG ANAK; TANGING MAY SIRA LAMANG SA PAG IISIP ANG SOSOBRA SA PAG KASTIGO SA KANYANG ANAK; KUNG MAHAL MO ANG ANAK MO DAPAT PAG NAGKAMALI SIYA AY MAY KAAKIBAT NA PAG PAPANGARAL O PALO UPANG MAITUWID ANG MALI AT MAIDISIPLINA SIYA, AT KUNG MAHAL MO ANG ANAK MO ALAM MO DIN ANG HANGGANAN NG IYONG PAG PAGPALO;

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,200 other followers

%d bloggers like this: