Skip to content

VICE GANDA ‘TINALAKAN’ ni CHERIE GIL, pati mga bossing ng ABS nadamay

June 3, 2013

vice gandaMahiya naman daw ang mga Pinoy na natatawa sa kanyang ‘bad jokes’

NAGTARAY. Nagpatutsada. Nanlait.

Lahat iyan ay aming interpretation kay Cherie Gil when she posted a message addressed to Vice Ganda.

“To Vice Ganda: you’re one of those scums of the earth. Shame on the Filipinos who laugh at such insensitivity and tactlessness,” said the prima contravida.

Tila living to her deeply seated contravida image itong si La Cherie with what she said on the beleaguered stand-up comedian. Read more…

CHARICE: Opo TOMBOY ako, sorry at patawad sa mga hindi makatanggap sa akin!

June 3, 2013

charice pempengcoUmaming nagkaroon na nang relasyon sa kapwa babae

‘Proud ako sa sarili ko at mahal ko ang sarili ko!’

“Opo tomboy ako!” Ito ang diretsong pag-amin ni Charice kahapon kasabay ng paghingi ng paumanhin sa kanyang ina at pamilya kung nasaktan sila sa desisyon niyang magpakatotoo.

Sa interview ng The Buzz sa international singer sinabi ni Charice na gusto niya lang maging totoo hindi lang sa kanyang sarili kundi pati na rin sa lahat ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya. Read more…

JUDAY nauubos din ang pasensiya: may moments na nagtataray din ako!

June 2, 2013

judy ann santosKapag paulit-ulit na ang pagkakamali sa taping

WALA talagang kaplastikan sa katawan si Judy Ann Santos.

Kung ano ang feel niyang sabihin ay sasabihin niya, hangga’t wala siyang sinasagasaan at nasasaktan.

Sa solo presscon ng tinaguriang nag-iisang Queen of Pinoy Teleserye para sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN na Huwag Ka Lang Mawawala, inamin niya na nauubusan din siya ng pasensiya at nagagalit din kapag punumpuno na siya.

“May mga moments na nakakapagtaray ako paminsan sa set pero that’s out of pagod, out of frustration at saka kapag punong-puno na ako dahil paulit-ulit ‘yung nangyayari. Read more…

ANGEL takot magpakasal kay PHIL, ayaw pang mabuntis at magka-baby

June 2, 2013

angel locsinMahal na mahal naman nila ang isa’t isa, pero…

Tulad ng ginawang panliligaw, Phil idadaan daw sa FB, Twitter ang marriage proposal?

HINDING-HINDI pipilitin ni Phil Younghusband si Angel Locsin kung ayaw pa talaga nitong magpakasal sa kanya.

Naniniwala ang Azkals player na darating at darating din ang tamang panahon para diyan.

Sa isang interview kay Phil sinabi nitong maligayang-maligaya sila ni Angel sa piling ng isa’t isa at wala na raw siyang mahihiling pa sa ngayon.

“Life couldn’t be any better right now. Read more…

WILLIE REVILLAME nagpiyansa na; pahihirapan na naman ng DSWD

June 2, 2013

willie revillameTalagang idiniin sa lumang kaso ng child abuse

Nasa gitna na naman ng laban si Willie Revillame dahil sa isyu ng batang lalaking naging kalahok niya nu’n pang panahon ng Willing-Willie na si Jan-Jan Suan.

Sa isang panahong ang akala nati’y tapos na ang kuwento dahil hindi naman kasi nagrereklamo ang mismong pamilya ng bata na in-exploit ni Willie ang kanilang anak ay meron pa palang karugtong ‘yun.

Kinarir pala ng DSWD ang pagsasampa ng kaso laban sa aktor-TV host, nagtagumpay naman ang ahensiya sa gusto nilang mangyari, kaya kailangang magpiyansa ni Willie dahil sa pagsulong ng kaso sa husgado. Read more…

MOMMY DIVINE nakapili na, botong-boto kay kay MIGUEL VILLAFUERTE para kay SARAH

June 2, 2013

sarah geronimo Pero si Lovi Poe raw ang type dyowain ng bagets na governor

Nakunan ng photo si Lovi Poe na kasama ang youngest governor ng Bicol na si Miguel Villafuerte.

As expected ay marami ang nag-comment na tiyak na hindi magugustuhan ni Sarah Geronimo ang photo na ‘yun.

Nagpakita kasi ng intension ni Gov. Villafuerte kay Sarah.

Gusto niya itong makilala nang lubusan at marami siyempre ang umaasa na mauuwi sa ligawan ang lahat.

Isa pa, sinasabing approved daw kay Divine kung sakaling manligaw ang governor ng Bicol. Read more…

CRISTINE REYES may sabit ang bagong dyowa, bukod sa 2 anak maylive-in partner pa raw

June 2, 2013

cristine reyesMay bago na raw lalaking nagpapasaya ngayon kay Cristine Reyes, sabi mismo ng kaibigan naming hindi kunektado sa showbiz.

Tanong ng kaibigan namin, may binanggit na raw ba si Cristine sa interviews niya na may nagpapatibok na uli ng kanyang puso, isang gym instructor daw ito na nagtuturo sa kanya.

Sweety-sweety daw ang dalawa at nakikita silang lumalabas din.

Pero heto na ang tsika bossing Ervin, ang guy na nagpapasaya raw ngayon sa aktres ay may sabit dahil may dalawa raw itong anak sa live-in partner niya. Read more…

Mukha ni KC nalamog sa mga sampal ni JUDAY

June 1, 2013

judy ann santos and kc concepcion‘Hindi kasi ako marunong manampal ng peke!’

Hindi pala alam ni KC Concepcion nang tanggapin niya ang TV project na Huwag Ka Lang Mawawala na kontrabida siya ni Judy Ann Santos.

Ang aktres daw mismo ang nagsabi kay KC na kontrabida ang role niya na ayaw daw sana nu’ng una kasi baka hindi kayanin, “Pinilit ko talaga siyang maging kontrabida ko. Ha-hahaha!” birong kuwento ni Budaday.

“Nu’ng tinanggap niya ito, actually, hindi niya alam na kontrabida ang role niya, so ako ang nagsabi sa kanya na, ‘kontrabida kita.’ Read more…

JAMES wala nang paki kay KRIS, patuloy na ipaglalaban si BIMBY

June 1, 2013

kris aquino and james yapKinatigan ng husgado ang hiling ni Kris Aquino na hinding-hindi na siya maaari pang lapitan ngayon ng ama ng kanyang anak na si James Yap.

Kapag nasa paligid-ligid lang si Kris at nalaman ‘yun ng basketbolista ay ito ang dapat umiwas, ang ama ni Bimby ang dapat gumawa ng paraan para hindi sila magkaengkuwentro ng aktres-TV host, ‘yun ang nakasaad sa mga dokumentong legal na kalalabas pa lang mula sa husgado.

Pero sa hiling ni Kris na hindi na puwedeng malapitan ng kanilang anak na si Bimby si James, o ni James si Bimby, ay denied ang kanyang hinihingi sa korte. Read more…

MAJA kay GERALD: Sabi ko, laban lang nang laban! kaya natin ‘yan!

June 1, 2013

gerald anderson and maja salvadorKITANG-KITA sa itsura at pagsasalita ni Maja Salvador na grabe ang pagmamahal nila ni Gerald Anderson sa isa’t isa.

Pagkatapos ibandera ng Kapamilya actor ang pag-ibig niya kay Maja, ito naman ang humarap sa publiko para ipagsigawan kung gaano niya kamahal si Gerald.

Sa Bandila nu’ng isang gabi, inamin ni Maja na magkarelasyon na sila ni Gerald.

Tinanong siya ni Boy Abunda kung handa siyang ipaglaban ang relasyon nila ng aktor, ang tugon ni Maja, “He is worth fighting for.”

Handa rin ba siyang i-give up lahat para sa kanyang boyfriend? “Hindi porke’t nagmamahal ka, may kailangan kang i-give up.

Wala kang dapat i-give up. Fight lang nang fight.”

SARAH binalaan…nabiktima na naman ng mga pekeng popster

June 1, 2013

sarah geronimoGinagawan ng kung anu-anong malilisyosong kuwento

HOW true na meron isang fan na inisnab si Sarah Geronimo?

Nakuhang isang ekstra yata ang fan na ito.

Nang matapos na ang eksena ay nag-stay siya sa harapan ni Sarah para magpakuha ng picture.

Kaya laking dismaya ng fan nang hindi raw siya pansinin ni Sarah.

Ayun, lumayas na lang siya at hindi na bumalik pa.
Is Sarah capable of snubbing her fans? Read more…

‘SORRY’ ni VICE kay JESSICA SOHO drama lang, mayabang at maangas pa rin

June 1, 2013

vice gandaDapat suspindihin ng ABS-CBN para madala

SA kabila ng paghingi ng sorry ni Vice Ganda kay Jessica Soho dahil sa “pambabastos” nito sa news personality ng GMA 7 ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbibigay ng maaanghang na komento ng ating mga kababayan laban sa gay TV host-comedian.

Grabe ang mga nababasa naming pagtira kay Vice sa mga social networking sites, ha!

At tama lang na naging maagap si Vice sa kanyang paghingi ng paumanhin dahil tiyak na hindi siya tatantanan ng mga galit na galit na supporters ni Jessica at ng ilang nakisawsaw na mga grupo.   Read more…

YASMIEN ‘NAGPADEDE’ ng mga baby sa ospital, umaapaw ang gatas sa BOOBS

May 31, 2013

yasmien kurdiStay pa rin kay Lolit Solis si Yasmien Kurdi.

Beautiful and slim si Yasmien na humarap muli sa press for Annakarenina, her comeback show after finishing her study, getting married and giving birth to her first child.

Special role ang gagampanan niya sa remake, bilang ang tunay na ina ng tunay na Annakarenina na paglalabanan ng tatlong dalaga, sina Krystal Reyes as Anna, Barbie  Forteza as Karen and Joyce Ching as Nina.

Mawawala ang character ni Yasmien after giving birth but she was assured that she will return later part of the story dahil tatakbo naman ang soap ng 16 weeks. Read more…

CARL GUEVARA secret lover ni VICE, nagtagpo sa BORA?

May 31, 2013

carl guevarraNabuking daw sa suot nilang ‘couple’s shirt’

Speaking of Vice Ganda, how true na meron silang “something” ng guwapong-guwapong si Carl Guevarra ng GMA 7?

Naging mag-neighbors pala sila sa condo before (I don’t know lang kung until now) at balitang they secretly see each other at ‘yung kinahiligang isuot daw ni Vice Ganda na couple shirt (yung may heart na nakalagay sa shirt) ay simpleng isinusuot na rin daw ni Carl.

“Di ba pumunta si Vice Ganda sa Boracay with his lolo recently nang walang paalam sa ABS-CBN?

Nandoon din ang grupo nina Carl sa Boracay that time, nag-birthday nga doon si Rochelle Pangilinan. Read more…

JAMES YAP di na puedeng lapitan o kausapin si KRIS…habambuhay

May 31, 2013

kris aquinoParurusahan kapag nilabag ang utos ng korte

Bimby posibleng hindi na rin makita ng ama kahit kailan

Nakakalito ang mga balitang naglabasan noong Miyerkules ng gabi tungkol sa pagkakatalo ni Kris Aquino sa isinampa niyang Permanent Protection order laban sa dating asawang si James Yap.

Maging sa ibang pahayagan ay naulat ding, “Kris, talo kay James”, maging sa ilang social networking sites.

Ayon sa abogado ni James na si Atty. Lorna Kapunan ang temporary protection order na ibinigay dati kay Kris ng korte ay dapat nang ikansela dahil pinagbigyan na raw  madalaw ng basketbolista si Bimby tuwing Miyerkules at Biyernes base sa desisyon ng korte noong Mayo 21. Read more…

13-anyos pinag-cybersex ng ina

May 29, 2013

Ni Ador Vincent Mayol, Inquirer Visayas
CEBU CITY—Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation nitong Linggo ang mag-asawa matapos gamitin ang kanilang 13-anyos na anak na babae sa  cybersex.
Ni-raid ng NBI, sa bisa na rin ng search warrant na ipinalabas ni Cebu City Regional Trial Court Judge Soliver Peras, ang isang cybersex den sa sa Sitio Sung-ok, Barangay Ibabaw, Cordova ala-1 ng madaling araw.
Kabilang sa mga na-rescue ng NBI ay ang anak na babae ng mag-asawa na si Mia (hindi tunay na pangalan), isang 3rd year high school, at dalawa pa nilang anak – isang babae at isang lalaki na may edad 14 at 17.
Inilagay na sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalawang babaeng anak ng mga suspek habang tumakas naman ang 17-anyos na lalaki.
Nakumpiska sa raid ang  isang flat screen computer, isang net book, web camera, CPU at mga cellphone ng mga suspek.
Inamin naman ng mga magulang ni Mia na ginagamit nila ang kanilang anak, kasama na ang maraming iba pang kapitbahay sa cyberpornography.
Ang bahay ng mga suspek ay nasa iisang sitio kung saan naaresto rin ang isa pang mag-asawa noong 2011 na ginagamit ang limang anak at isang pamangkin sa cybersex operation.
Inamin ng nanay ni Mia, naniningil siya ng P1,000 kada transaksyon. Bago ang raid, humingi siya ng P3,200 mula sa Amerikanong kliyente na ginamit pala ng NBI sa operasyon. Sa kanyang pahayag, sinabi umano ng nanay na gagamitin niya ang pera para sa pambili ng gamit ng kanyang anak sa paaralan at pambayad sa tuition.
“I know I committed a mistake, but I was just forced to do so. I exposed my daughter to cyberpornography due to poverty,” sabi ng 35-taong-gulang na nanay sa pahayag sa NBI-7.
Iginiit naman ng nanay na hindi sangkot ang kanyang 37-taong-gulang na asawa na kanyang pinakasalan 13 taon na ang nakakaraan. Ang kanyang asawa ay dating mangingisda bago siya magkasakit tatlong taon na ang nakakaraan.
Sinabi naman ng lalaki na handa siyang tumestigo laban sa kanyang asawa.
Tinagurian naman ni NBI-7 director Antonio Pagatpat ang suspek na babae bilang  Queen of Cyberpornography sa Cordova.
“Based on reports we got, there are several minors in their place who fell victim to her,” sabi ni Pagatpat said.
Sa kabila nito, parehong kinasuhan ang mga magulang ng bata ng kasong paglabag sa  Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, at  Anti-Child Pornography Act of 2009.

 

POPS nagparetoke na naman ng ilong kaya namaga ang mukha?

May 29, 2013

pops fernandezConcert Queen pumalag, mga tsismosa ikinumpara sa papel de liha!

LIKAS na maganda na si Pops Fernandez but it seems that she’s not contended with her beauty.

Just saw a photo of her in one website and it was obvious that she had her nose done.

Tila hindi pa magaling ang bagong gawang ilong ni Pops when she allowed herself to be photographed together with her friends.

Parang maga pa nga ang kanyang mukha perhaps because of the operation that she underwent. Read more…

ANGEL ipinagdarasal na ‘wag na silang magkahiwalay ni PHIL

May 29, 2013

angel locsinSa Singapore raw nag-celebrate ng kanilang anniversary as a couple sina Angel Locsin and Phil Younghusband.

Sumunod daw doon si Angel kay Phil na may laban nga ng football.

Anyway, nagtangka si Angel na habulin ang eksaktong oras ng pagsagot niya kay Phil by posting a collage of photos pero hindi siya naging successful.

Still, Angel posted her sweet moment photos with Phil sa kanyang Instagram account with this message: “Thank you to everyone for the greetings!

We tried to post this at 11:56pm (time of anniv)..hindi umabot?? Read more…

JED SALANG ‘NINAKAW’ na ang lahat kay AI AI, comedy queen wasak na wasak na

May 29, 2013

aiai delas alas and jed salangMatatagalan pa bago makabawi sa sobrang pagkabigo

Pilit na winawasak ng mga taong walang magawa sa buhay ang imahe ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Maraming nakikisawsaw sa isyu ng paghihiwalay nila ng businessman na si Jed Salang.

Dahil nga hindi makalantad ang lalaki para maipagtanggol ang kanyang sarili ay parang nagkasundo-sundo naman ang kanyang mga kaibigan na ipaglaban siya. Read more…

CHARICE nakipag-basketball sa mga katropa sa barangay, may ‘BIGOTE’ na

May 28, 2013

charice pempengcoCare to know kung ano ang ginagawa ni Charice ngayong career-less na ang beauty niya?

Well, it seems that the international singer is having a good time attending to some personal friends’ activities.

Kuwento ng isang broadsheet writer na si Bum Tenorio, umapir si Charice  sa isang liga ng basketball.

“Charice attended the opening of the SK Gulod basketball league as her way of support to SK Chair @okkintenorio & the youth in the barangay,” tweet ni Bum.

Nahihilig din pala itong si Charice sa basketball as tweeted by Bum. Read more…

JED SALANG kumita ng MILYUN-MILYON sa relasyon nila ni AI AI

May 28, 2013

aiai delas alas and jed salangKaya raw walang karapatang babuyin si Ai Ai

LAHAT ng kabulastugan ay nangyayari pala sa Twitter.

Yung iba, ginagamit itong sumbungan ng kanilang mga hinanakit lalo na sa usaping-lovelife, family, friends, etc..

Samantalang ang iba naman ay ginagamit ito para mambastos ng kapwa.

Mabuti na lang at wala kaming Twitter account dahil kung nagkataon, malamang na wala kaming ginawa maghapon kundi ang pumatol sa mga maaaring manira sa amin. Read more…

SAM ipinagpalit si SHAINA sa BEAUTY QUEEN: Gusto ko na talagang magka-girlfriend!

May 28, 2013

shaina magdayaoSINADYA naming dayuhin ang Dermablend meet and greet mall show ni Sam Milby sa Cash & Carry sa South Super Highway noong Linggo nang hapon para tanungin kung ano ang relasyon nila ngayon ni 2013 Bb. Pilipinas-Universe Arielle Arida.

Nabalitaan kasi namin bossing Ervin na nagbabad sa bahay niya ang nasabing beauty queen sa bahay niya sa Pasig City noong Sabado, May 25, kasama ang common friend nila at boyfriend nito.

Naaliw kami sa reaksyon ni Sam dahil nagulat talaga ang binata at ang tagal na napatitig sa amin dahil paano raw namin nalaman iyon.  Read more…

GERALD: Oo, in love ako kay MAJA SALVADOR, at ipaglalaban ko siya!

May 28, 2013

maja salvadorWala na raw  pakialam sa sasabihin ng ibang tao

SA wakas, umamin na rin si Gerald Anderson na matagal na silang magdyowa ni Maja Salvador.

Sa exclusive interview ng Star Studio Magazine (June 2013 issue), inilahad ng Kapamilya aktor ang nag-uumapaw na kaligayahan niya sa kandungan ni Maja.

Nu’ng unang bahagi ng nasabing panayam, ingat na ingat si Gerald sa kanyang mga sasabihin, “Wait lang ha, I’m just trying to fix my sentence, kung paano ko sasabihin.” Read more…

DEREK RAMSAY bading na bading ang style; SAM ayaw nang patulanang ‘BAKLAAN ISYU’

May 26, 2013

derek ramsayNATAWA ako sa item na nabasa ko recently regarding Judy Ann Santos’ reaction sa sinabi raw ni Sam Milby na kaya siya nabubulol sa pag-Tagalog dahil intimidated siya kay Juday.

Tahasan talagang sinabi ni Juday na huwag daw isisi sa kanya ang pagkabulol nito dahil talagang bulol daw ang ating anak sa Tagalog.

I agree with Juday though sinabi naman ng young superstar na bilib naman siya sa working attitude ni Samuel at sa effort nito to learn how to speak Tagalog better.

Hindi naman kasi talaga biro na matuto ng isang lengguwahe na hindi mo kinagisnan. Read more…

KRIS sa SECRET LOVE AFFAIR nila ni DANIEL: kaloka, ang luma ng issue!

May 26, 2013

kris aquino1Tinext agad  kami ni Kris Aquino habang nasa Davao City siya nu’ng isang araw para sa episode ng Kris TV at nalaman nga niyang may issue sa kanila ni Daniel Matsunaga.

Mensahe sa amin ng Queen of All Media, “Ang LUMA ng news Reg, I haven’t seen him since ‘Sisterakas’. Hello from Davao.”

Takang-taka si Kris kung saan daw nagmula ang balitang sila na ni Daniel dahil as of now ay hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang lovelife dahil ang konsentrasyon niya ngayon ay nasa dalawang anak niyang sina Josh at Bimby lalo na ngayong darating na Hunyo kung saan papunta sila ng Singapore para sa pagpapagamot ng panganay na anak.

Isasabay na rin ang cruise nila para naman sa ilang episode ng Kris TV dahil nga kailangan nilang magbangko para sa nalalapit na pagbabakasyon niya ng ilang buwan kasama ang mga anak.

RHIAN muling binanatan ni DJ MO, dapat din daw sampahan ng kaso

May 26, 2013

mo twisterMatapos siguraduhing hindi na makakabalik sa Pinas ang ex-BF

Tila nagpatutsada si Mo Twister sa recent statement ng ex-girlfriend niyang si Rhian Ramos who confidently said in a previous interview na, “Hindi, hindi siya makakabalik dito!

Kasi, I’m confident in the law and I’m confident in justice. If justice prevails, hindi siya makakabalik dito.”

Obviously ay nakarating na sa kaalaman ni Mo ang one-liner ni Rhian kaya naman he took the opportunity to answer it via Twitter, “#if justice prevails you would be tried for murder, twice,” ang naging sagot ni Mo sa statement ni Rhian. Read more…

DANIEL MATSUNAGA : OMG! Wala kaming relasyon ni MS. KRIS

May 25, 2013

daniel matsunagaItinanggi ni Daniel Matsunaga ang chismis na magdyowa sila ni Kris Aquino. Merong isang follower si Daniel sa Twitter ang naglakas ng loob na tanungin ang hunk Brapanese model kung true ang nasulat  na he and Kris are now an item.

Maikli lang ang naging denial ni Daniel na napatawa sa question sa kanya, “Omg ahahaha not true :),” sabi niya.

Well, sooner or later ay malalaman din naman kung talagang magdyowa sina Daniel at Kris kaya wait na lang tayo.

Samantala, kung tatakbo si Kris Aquino ay tiyak na iboboto siya ni Olive Cortes, ang isa sa original 26 K Girls ng Deal or No Deal. Read more…

ALFRED VARGAS may death threats agad, pinag-iingat ng pamilya at mga kaibigan

May 25, 2013

alfred vargas1Pagkatapos ng landslide victory bilang kongresista ng Q.C.

Nagkaroon din ng death threats si Alfred Vargas.

Simulang magpasalamat ni Alfred sa mga press na tumulong sa kanya.

Alfred won by a landslide as the representative of the new fifth district of Quezon City.

As far as we know, siya lang ang bagong kongregistang artista dahil ang mga nakasabayan niya tulad nina Aga Muhlach, Rez Cortez, Christopher de Leon and Joey Marquez na first time ding lumaban for a congressional seat, talunan.

Alfred now joins Congressmen stars in their second term like Lani Mercado Revilla sa Bacoor and Lucy Torres Gomez sa Leyte.

Magbabakasyon muna silang mag-asawa sa Italy where wife Yasmien is from dahil malaki raw ang itinulong ng kanyang misis sa campaign niya.

Where Alfred cannot make it, si Yasmien ang nagpupunta sa sortie to represent him as she started as a commercial model naman talaga with plans of joining showbiz, nayaya lang agad ni Alfred na magpakasal. Read more…

WILLIE: Hindi biro ang sakit ko, ilang beses na akong naospital!

May 24, 2013

Willie RevillameBawal na kasing matensiyon at ma-stress  

Ngayon ay malinaw na ang kuwento.

Siguro naman ay titigil na ang mga bulung-bulungan diyan tungkol sa pagtatapos ng programa ni Willie Revillame sa darating na October 15 sa TV5.

Kung ano-ano kasing kuwento ang naglalabasan, merong nagpapalutang ng istorya na humihingi raw nang ninety million si Wilie sa network para sa buwanan niyang serbisyo bilang host ng Wowowillie, meron ding nagpalabs ng kuwento na hindi na raw siya ire-renew pa ng TV5. Read more…

KIM laging umiiyak, pikon na pikon kay MAJA

May 24, 2013

kim chiuGAANO katotoo na pikon na pikon na si Kim Chiu sa mga patutsada ni Maja Salvador sa kanya kapag nasa taping ng kanilang teleseryeng Ina Kapatid Anak ng ABS-CBN?

Ayon sa kumakalat na chika, sa kabila raw ng pananahimik ni Kim kapag nasa set ng nasabing soap opera ay patuloy pa rin sa pagpaparinig si Maja.

Hindi naman daw garapal kung mambwisit si Maja, pero alam daw ng lahat ng nasa taping kung sino ang pinaparinggan niya.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit palihim na lang na umiiyak si Kim, ayaw naman daw nitong patulan si Maja dahil baka mauwi na naman sa malaking iskandalo ang lahat. Read more…

KRIS AQUINO, DANIEL MATSUNAGA magdyowa na, secret nga lang

May 22, 2013

daniel matsunagaMatagal nang itinatago sa publiko ang tunay na relasyon

MATAGAL na rin ang balitang crush daw ni Kris Aquino itong Brazilian ex-boyfriend ni Heart Evangelista na si Daniel Matsunaga and in fact, isinama pa niya ito sa pelikula nilang “Sisterakas” at kinuhang co-host sa kanyang morning show na KrisTV for a while.

Sa pagkakaintindi ko kasi, parang nakyutan lang si Kris sa Brazilian hunk na wala naman talagang masyadong job offers sa Pinas dahil he’s just a piece of cake around town.

Alam n’yo naman ang mga Brazilians – dahil hirap din ang mga buhay nila sa kanilang bansa, they knocked at every nation’s doors for some job opportunities.

Yung iba nga ay nag-prostitute na sa London or Spain or Paris or Thailand – I’m not joking. Read more…

AI AI delikado, dapat mag-ingat sa posibleng pagganti ni JED SALANG

May 21, 2013

aia jed salangTama lang na magkaroon ng mga bodyguard

HINDI kaya ang international singer na si Tina Turner ang tunay na  idolo ng BFF nating si Ai Ai delas Alas at hindi si Gov. Vilma Santos?

Yeah, si Tina Turner ang nagpasikat sa mga awiting “Private Dancer” at “What’s Love Got To Do With It”.

Kasi nga, despite everything na naibigay na niya sa kanyang asawa ay pananakit pa  ang inabot niya.

Isa siyang battered-wife – physically and emotionally.

Ganyan din si Tina Turner, grabe kung bugbugin ito ng kanyang asawa.

Even during sex – walang patawad kung bugbugin ito – as in, black and blue talaga.

Kung hindi hiniwalayan ni Ai Ai si Jed Salang, sa kuwentong narinig natin, baka hindi lang black and blue ang abutin ng mahal nating komedyana – baka mapatay pa siya ni Jed. Read more…

SUNSHINE di na kailangan si CESAR, magpa-file na ng annulment

May 21, 2013

cesar montanoKung noon ay ayaw pang pag-usapan ni Sunshine Cruz ang posibleng pagpa-file niya ng annulment sa kasal nila ni Cesar Montano, ngayon ay parang nag-iba na ang hangin.

Pero nilinaw niya ang balitang naisampa na niya ito sa isang korte.

“For now wala pang annulment, everybody knows that wala pang annulment.

Hiwalay lang kami ng bahay pero sa papel kami pa rin.

But, I am thinking about it and I am praying for it.

I cannot say kung magkakaroon ng reconciliation or hindi magkakaroon pero I can honestly say right now that I am very, very happy,” ayon kay Sunshine nang mainterbyu ng Showbiz Inside Report.

Ayon naman sa isang  source, sa ilang linggong pagiging single ni Sunshine, mukhang napatunayan na niya sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan si Cesar bilang asawa kaya siguro itutuloy na niya ang pagpa-file ng annulment. Read more…

AI AI DELAS ALAS OA na ang pagkamartir pagdating sa pag-ibig

May 21, 2013

aiaiDahil sa sobrang pagkabulag sa pagmamahal ay dumating si Ai Ai delas Alas sa puntong naging sunud-sunuran na lang siya sa pinakasalan niyang si Jed Salang.

Salamat naman at nauntog na sa katotohanan ang Comedy Concert Queen, malakas ang pagkauntog niya, kaya isinambulat na rin niya sa publiko ang tunay na naganap kung bakit naghiwalay na sila ng lalaki.

Nu’n pa namin isinusulat sa kolum na ito ang mga kuwento tungkol sa sobrang pagiging martyr ng komedyana.

Ibang klaseng magmahal si Ai Ai, hanggang kaya niya ay titiisin niya ang lahat, umaasa kasi siya na meron pang pag-asang muling mabuo ang kanyang pakikipagrelasyon.

Pero bigo siya, sa huli na lang niya nararamdaman na hindi naman pala siya ang mahal ng lalaki, kundi ang mga materyal na bagay na meron siya.

Ang isa sa mga producers ni Ai Ai sa London nu’ng minsan siyang mag-show du’n ay kaibigan namin, nakarating sa amin ang impormasyon na napaigsi ang kanyang performance dahil wala sa kanyang sarili ang komedyana, bago kasi siya sumampa sa entablado ay nagkaroon sila nang matinding away ni Jed sa dressing room. Read more…

AI AI: Nabunutan na ako ng tinik, ayoko nang magsalita!

May 21, 2013

aiai delas alasKumusta na si Ai Ai delas Alas pagkatapos niyang maglabas ng emosyon sa The Buzz noong Linggo?

“Nabunutan ako ng tinik, friend. Okay na ako, heto maraming nagte-text, nagbibigay ng suporta, maraming haters si Jed,” sabi sa amin.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng nanood at naniniwala sa akin, salamat talaga,” dagdag pa ng Comedy Queen.

Ano naman ang feedback sa kampo ni Jed Salang? “Wala, tahimik,” mabilis na sabi ni Ms. A. “Ayoko nang mag-isip, hindi na ako magsasalita.

Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin,” dagdag pa.

Noong Linggo ng gabi naman ay um-attend pa si Ms. A kasama sina Kris Aquino at Vice Ganda sa 44th Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc., para tanggapin ang kanilang parangal bilang Phenomenal Box-Office Stars dahil sa tagumpay ng kanilang pelikulang “Sisterekas”.

Nag-report din siya sa live episode ng Pilipinas Got Talent noong Sunday. Read more…

JAKE EJERCITO napikon, GEORGINA WILSON malupit at iresponsableng babae

May 20, 2013

jake ejercitoPagkatapos tawaging bobo ang mga bumoto kay Erap

JAKE Ejercito, son of former president and now  Manila Mayor Joseph Estrada, took to Twitter to express his disgust for Georgina Wilson’s recent sweeping statement where he called Erap voters idiots.

“Ms. Wilson, social media might be a free world but I think it’s quite irresponsible to express such an opinion unless you are well-versed with the current situation of the city of Manila and how the present local administration has failed to handle it.

Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, ‘f***ing idiots’ is harsh and truly uncalled for.

Don’t hate without knowing the facts,” sabi ni Jake.

This was in reaction to Georgina’s “ugh i hate politics – but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot.”

Nakakaloka nga naman ang message ni Georgina.

Imagine, calling all of those who voted for Erap idiots, eh, matindi nga naman ‘yon.

Actually, Jake was decent enough with his message to Georgina.

Kung iba-iba siguro ‘yon ay baka kung ano na rin ang nasabi sa kanya.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Moreover, to call 325,288 Manileños, including the 9.4 million Filipinos who voted for him in 2010, ‘f***ing idiots’ is harsh and truly uncalled for. Don’t hate without knowing the facts,” sabi ni Jake.
This was in reaction to Georgina’s “ugh i hate politics – but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot.”
Nakakaloka nga naman ang message ni Georgina. Imagine, calling all of those who voted for Erap idiots, eh, matindi nga naman ‘yon.
Actually, Jake was decent enough with his message to Georgina. Kung iba-iba siguro ‘yon ay baka kung ano na rin ang nasabi sa kanya.

Makes sense nga naman.

FPJ nakikipagtagayan na raw sa langit dahil sa pagiging no.1 ni GRACE POE sa senado

May 20, 2013

fernando poeIsang matinding milagro ang pagkapanalo sa nakaraang eleksiyon

Natutukan namin ang lahat ng panayam kay Senator Grace Poe.

Sino nga ba ang mag-aakala na siya pala ang mangunguna sa lahat ng mga kumandidatong senador, sino rin ang umasa na pakakainin niya pala ng alikabok ang mga tahiran nang politiko diyan, ibang klase talagang magsalita ang bayan.

Aminado ang number one senator na hindi lang ang kanyang kapasidad ang nagluklok sa kanya sa primerang numero sa bilangan, alam niya na mas malaki ang donasyong boto ng kanyang namayapang ama, ang biro nga raw ng mga kaibigan ni Fernando Poe, Jr. ay nakikipagtagayan na ngayon sa langit ang kanyang tatay dahil sa kanyang matinding tagumpay.

Ang nakuha niyang suporta mula sa ating mga kababayan ay resulta ng isang paghihiganti ng ating mga kababayang tagahanga ng kanyang ama sa sinasabing pagkatalo ng Hari Ng Aksiyon nu’ng 2004 sa panguluhan.

Ngayon ay malinaw na malinaw na ang senaryo. Read more…

BELLA FLORES patay na, mga kaibigan sa showbiz nagluksa

May 20, 2013

bella floresIlang buwang nakipaglaban sa diabetes at Alzheimer’s disease

MATAPOS ang ilang buwang paghihirap dahil sa sakit na diabetes at Alzheimer’s disease, namaalam na ang veteran actress na si Bella Flores kahapon ng madaling araw.

Siya ay 84 years old.

Remedios Dancel ang tunay na pangalan ni Bella na isinilang noong Feb. 27, 1929, sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa anak ng kontrabida icon sa local showbiz na si Ruby Arcilla, eksaktong 1:27 a.m. binawian ng buhay ang kanyang ina matapos niya itong isugod sa Queon City General Hospital.

Nahirapan daw kasing huminga ang beteranang aktres, ngunit hindi na nga ito na-revive ng mga doktor.

Matagal nang may diabetes si Ms. Bella at nagkaroon na nga ito ng mga kumplikasyon matapos siyang sumailalim noon sa hip surgery. Read more…

AI AI: Hinahagis niya ako sa kama, may sampalan, ‘yung huli kinaladkad pa niya ako sa sahig!

May 20, 2013

aiai delas alasSumabog na ang matinding galit, umaming sinasaktan ni Jed Salang

Pinatulan lang daw ni Jed para huthutan at saka babalikan ang dating kinakasama

Pinipilit din daw siyang magpunta sa casino para magsugal

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon tungkol sa pasabog ng damdamin ni Ai Ai delas Alas sa The Buzz kahapon.

Kasama ni Ai Ai ang anak na si Sancho at mga kaibigan kaya’t nagkatinginan na kami ng aming mga kasamahan dahil walang alam ang panganay na anak ng Comedy Concert Queen sa sinapit ng ina sa kamay ng less than a month husband niyang si Jed Salang.

Lumapit at bumeso pa si Sancho at ang ganda pa ng mood na nakipagkuwentuhan sa amin at nabanggit nga niyang handa na siyang magtrabaho sa isang hotel bilang chef.

Kaunting trivia lang kasi nakita namin si Sancho dose anyos palang siya noon at siya ang nakakita at nakaranas sa lahat ng hirap ng nanay niya noong nagsisimula pa lang. Read more…

Bagong serye ng TV5 punumpuno ng hubaran, lagot na naman sa MTRCB

May 19, 2013

christopher de leonBatambata, sariwa ang bagong ka-loveteam ni Boyet

Sasabak ang TV5 sa umaatikabong paseksihan sa seryeng Misibis Bay.

Natuloy na ang story conference ng pinakabagong miniseries ng TV5 na Misibis Bay last Thursday.

It will star Christopher de Leon na balik acting after campaigning for a representative seat sana sa Batangas at si Ms. Vivian Velez sa muli niyang pag-arte and her first TV5 show.

The six week story will be taped sa Misibis Bay mismo sa Cagraray sa Albay and directed by Monti Parungao.

Guess kung sino ang makaka-partner nina Christopher and Vivian dito respectively?

Non other than Ritz Azul and Luke Jickain.

Also starring in the soap na sinisiguradong puro paseksihan ang bawat eksena ay ang tatlong studs na sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan and Vin Abrenica playing brothers na mga anak ni Boyet. Read more…

DEREK RAMSAY hiyang-hiya kay SAM MILBY sa ‘BAKLAAN ISSUE’

May 19, 2013

derek ramsayANG daming nag-react sa lumabas na isyung tinawag na bakla ni Derek Ramsay si Sam Milby.

Actually, sa Twitter account ng Inquirer Bandera pa lang nabasa ng mga Sam fans ang story ay mega react na kaagad ang supporters ng Fil-Am actor.

They wasted no time in asking Derek, through his Twitter account, kung totoo ang lumabas na balita na sinisiraan niya si Sam para ma-win ang heart ng isang singer.

“Pakilinaw ung issue abt sam sana hindi totoo na sinabi mo un wag mong gamitin si sam sa gimik mo respeto lang!!” tili ng isang fan kay Derek.

“I hope so derek at sana iclear mo yan sa media.

Jobert Sucaldito already aired ur side in his program earlier. tnx 4 the reply,” sabi ng isa pa.

There are few fans who patiently waited for Derek’s reply sa issue, “Antayin na lang natin ang paliwanag ni derek hirap nito aarangkada na nman mga hinayupak na bashers ni sam!” sabi naman ng isang maka-Sam. Read more…

AI AI: Oo, hiwalay na kami ni JED! hindi na talaga ako natuto!

May 19, 2013

aiaiBinigyan ng PSG nina PNoy at Kris, kailangan daw mag-ingat

Follow-up ito sa nasulat namin dito sa BANDERA kahapon na hiwalay na sina Ai Ai delas Alas at Jed Salang ilang linggo pagkatapos nilang magpakasal.

Sa nakaraang “I-Vice Ganda Mo Ako” concert ay ang Comedy Concert Queen ang finale guest at bilib ang lahat sa pagiging propesyonal ng komedyana dahil nagawa pa rin niyang patawanin ang lahat nang nanood.

Isa rin si Ai Ai sa inookray ni Vice pero sinagot ang huli ng, “may pinagdadaanan ako, ha, mabuti nga nandito ako, eh,” birong sabi ng komedyana.

Sinadya naming abangan si Ai Ai sa backstage pagkatapos ng production number niya at nagbakasakaling makausap siya tungkol sa gusot nilang mag-asawa.

At nagpapasalamat kami kay Ms. A dahil dalawa lang kaming entertainment press ang isinama niya sa loob ng dressing room gayung halos lahat ng TV camerang nakaabang sa kanya ay iniwasan niya at hiningan na lang siya ng pagbati kay Vice sa napaka-successful nitong concert. Read more…

AI AI, JED SALANG naghiwalay dahil sa isyu ng pera at sobrang pagseselos?

May 19, 2013

aiai delas alasAs we write this ay nalaman naming hiwalay na sina Ai Ai delas Alas at Jed Salang.

Napa-OMG kami when we learned about it.

Hindi ba’t kakakasal lang nila at bago sila lumagay sa tahimik ay nagkaroon sila ng bangayan.

Proud na proud pa si Ai Ai sa pagsasabing si Jed na ang guy para sa kanya.

Napaiyak pa nga siya sa kasal nila sa US. Anyare?

Anyway, mukhang doon naman talaga papunta ang pagsasama nila.

Actually, kung hindi naayos ang gusto nila bago ang kanilang wedding ay talagang papunta na sila sa hiwalayan. Read more…

BONG sa mga nangharas sa kanyang pamilya: Bakit ganu’n sila kagalit sa akin? Ano bang kasalanan ko?

May 18, 2013

bong revilla“Bakit ganu’n sila kagalit sa akin? Anong kasalanan ko sa kanila?”

Ito ang tanong ni Sen. Bong Revilla patungkol sa mga taong nasa likod ng panghaharas sa kanyang pamilya ng mga kapulisan noong nakaraang eleksiyon.

Nanindigan ang senador at bida sa epic seryeng Indio ng GMA 7 na hinding-hindi niya palalagpasin ang nasabing insidente na aniya’y naging sanhi ng pagkabagabag ng pamilya Revilla. Dadalhin daw ni Bong sa Senado ang naganap na pagsugod ng PNP sa kanilang bahay sa Cavite.

Ayon pa sa senador wala pa rin  siyang maisip na matinding dahilan para harasin sila ng kapulisan, “Is it because of politics?

Dahil natalo yung manok nila?

Dahil hindi umubra kung ano yung gusto nila mangyari na pangha-harrass sa amin?

Hindi kami natakot? Hindi kami lalaban?

“Ang point ko lang dito e sa tama lang tayo. Read more…

REGINE posibling mabingi dahil sa mga nilalaklak na ‘DRUGS’

May 18, 2013

regine velasquez2 buwan gagamutin ang sakit para di masira ang boses, pero…

SONGBIRD Regine Velasquez is said to be having complaints sa GMA 7 management over her participation sa Party Pilipinas at sa iba pang mga bagay.

Ang chismis, she’s complaining raw of her very limited exposure sa matsutsuging Sunday musical variety show ng Siyete.

Hindi na raw kasing dami ang kanyang spots at production numbers sa show.

Mas marami pa raw ang production numbers ng ibang younger cast members kaysa sa kanya.

Since we’re not watching this Sunday GMA show as we think that it’s both a WASTE of TIME and ENERGY ay hindi namin alam kung totoo ito.

Parang ang pinalalabas ay nai-insecure si Regine sa kanyang mga younger na kasama sa show. Bakit?

Nang mag-tweet si Regine about loyalty issue ay marami ang nag-react and thought that she’s leaving GMA 7. Read more…

Kawawang AGA luhaang babalik ng Maynila

May 18, 2013

aga muhlachSa lahat ng mga pamosong personalidad na tumakbo sa halalan 2013 ay pinakanakapanghihinayang ang nangyari kay Aga Muhlach na kumandidato bilang kongresista sa ikaapat na distrito ng Camarines Sur.

Sa simula pa lang ay kinalampag na ng kanyang mga kalaban ang pagiging residente niya ng distrito, umabot pa ang reklamo sa husgado, pero pinayagan ng COMELEC na makilahok sa halalan si Aga.

Pagkatapos naman ng eleksiyon ay naging matensiyon sa kanyang distrito dahil mula sa unang araw ng bilangan ay nananalo siya sa kanyang mga katunggali, malayo ang agwat ni Aga sa politikong matagal nang naghahari-harian sa naturang lugar, umaasa na nu’n ang kampo ng aktor na siya ang ipoproklamang congressman ng kanilang distrito.

Pero biglang nagkaaberya nu’ng mga sumunod na araw, ang malaking kalamangan ni Aga sa kanyang kalaban ay biglang lumiit na, du’n na kinabahan ang partido ng guwapong aktor. Read more…

SARAH, RAYVER nagkabati na; MOMMY DIVINE laging nakaguwardiya para hindi na magkabalikan pa!!!

May 18, 2013

sarah geronimoHi and hello lang daw ang drama nina Sarah Geronimo at Rayver Cruz kapag nagkikita sila sa studio ng ASAP sa ABS-CBN.
Back to ASAP na kasi ang beauty ni Sarah kaya naman hindi malabong magkita sila muli ni Rayver.

May nagtsika sa amin na civil naman ang dalawa sa isa’t isa.

‘Yun nga lang, wala ng kuwentuhan sa pagitan nila, isang simpleng “hi” and “hello” lang ang maririnig sa kanila.

Wala ring beso-beso dahil alam n’yo namang always and forever na kasama ni Divine ang kanyang anak na dalaga.

Anyway, excited na si Rayver dahil makakasama siya sa Cannes Film Festival.

Ka-join niya na umalis sina Gerald Anderson at Piolo Pascual dahil pasok ang movie nilang “OJT” sa 66th Cannes Film Festival.

First time ni Rayver na dumalo sa isang prestigious festival kaya naman super excited siya. Read more…

AI AI, JED SALANG nag-away, hiwalay na

May 18, 2013

ai ai delas alasIlang linggo lang pagkatapos magpakasal sa Las Vegas, USA

‘Ibigay n’yo muna ang pananahimik ko sa bagay na ito!’

NAKATANGGAP kami ng text message kahapon habang nagtitipa kami ng aming kolum at tinatanong kami kung totoong hiwalay na sina Ai Ai delas Alas at asawa nitong si Jed Salang na kakakasal lang sa Las Vegas, Nevada noong Abril 3.

Tinawagan namin ang nag-text, “Balita po kasi hiwalay na, nagkaroon daw ng matinding away,” sabi sa amin.

Sinubukan naming tawagan si Ms. A pero mukhang nagpalit na siya ng cellphone number. Tinext namin ang manager niyang si Boy Abunda pero hindi pa kami binalikan ng sagot at maging ang partner niya sa negosyo na si Lito Alejandria ay hindi rin kami sinasagot.

Tiningnan namin ang Instagram ng Comedy Queen at nabasa namin doon ang, “Exodus 14:14, The Lord will fight for you and you only have to be silent…sa lahat po ng mga nagmamahal saken. Read more…

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 6,201 other followers

%d bloggers like this: